Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#alaala
umuulan nanaman pala. paglipas ng takipsilim ang akin isipan ay patuloy na binabalot ng kadiliman. ilang oras nang naninimdim sa gabing lumalalim. kasabay ng pag buhos ng ulan ang pag agos ng mga luha na dulot ng kalungkutan, umaasa't naghihintay pa rin sa iyong muling pagdating. naiinip at  kung minsan pa'y napapailing, kailan kaya muling makakapiling? ilang nakaraan na ang lumipas subalit ang puso'y patuloy pa ring kumakaripas. naiwan sa 'king isipan ang mga bakas **** pilit kong tinatakasan. mga alaalang bumabalik sa mga yakap at halik mo'y patuloy akong nananabik. umuulan nanaman pala. kasingtulad mo ang isang paparating na ulan; darating, magpaparamdam at pagkatapos ay mawawala lang din pala. hindi ko maiwasang hindi maging malungkot sa sakit na iyong idinulot.  ang paglakas ng ulan ay siya ring pagkirot ng sugat na iyong iniwan. nakagapos pa rin ako sa iyong mga pangakong napako, gabi-gabi pa ring nararamdaman na para bang nakapaloob sa sako. umuulan nanaman pala. maalala ko na naman ang sugat na aking napala. luha ko'y patuloy na sumasabay sa pag agos ng ulan subalit lungkot ko'y hindi pa matangay. nararamdaman ko ang lamig ngunit mas nararamdaman ko ang muling pagyanig. mahal pa rin kita, sinta. ngunit gusto kong ika'y kalimutan na. subalit paano? sa tuwing umuulan ay ikaw ang aking naaalala. paano ba matatapos ang paghirap na nadarama? kapag kaya sa wakas, ang ulan ay tumila na? matagal na rin pala. siguro'y panahon na upang sarili ko naman ang aking unahin at palayain. para sa ikalalaya ng aking pusong iniwan, para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan. sisimulan ko na— sisimulan ko nang makalimot. pero teka lang muna— umuulan nanaman pala. 'wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala. huwag naman sana dahil— dahil— maaalala na naman kita.
0
Nov 3, 2020
Nov 3, 2020 at 3:20 PM UTC
alaala ng ulan

Continue reading...
13
Siguro, maaari natin makalimutan ang mga taong nanakit sa atin o ang mga nakaraan natin na hindi maganda. Pero, hindi mo ito basta-basta makakalimutan dahil may pain kang naranasan. Maaaring sinaktan ka ng bf/gf mo o kaya naman may mga bagay na nangyari sayo hindi maganda. Oo maari natin to makalimutan pangsamantala, marami tayong paraan kung paano tayo mag move on sa isang bagay, pero babalik at babalik yung mga nakaraan mo. Hindi na siya ganun kasakit gaya ng dati. Na naranasan mo. Maaalala mo, Oo, kapag na alala mo ang nga bagay na hindi magandang nangyari sa'yo,  itatawa mo nalang. Yong pain nawala na. Ang atin mga nakaraan ay puno ng mga alala, maaaring ito ay hindi maganda o kaya naman masasayang alala.  Sa mundo marami tayong pinag dadaanan. Masasaya at masasakit.
0
Nov 9, 2019
Nov 9, 2019 at 7:11 PM UTC
Kinalimutan mo na ba ang taong nanakit sayo o yung mga nakaraan mo na hindi maganda?
Papalubog na ang araw. Nakatutok ang mga bata sa harap ng gadget nila. Mga chismosang naninira ng kapwa nila. Lahat ay masaya sa kalayaang nadadama nila. Lingid sa kaalaman nila ay may isang babaeng nakamasid lamang sa isang sulok.. Dala-dala nito ang alaala ng masakit na kahapon. ISANG madugong nakaraan- mga bayaning dumanak ng dugo para sa lupang sinilangan. Mga iyak- sigaw at kapighatian ng mga pilipinong inapi nang mga dayuhan. Mga sakripisyong tiniis at inalay nila para sa kalayaan ng bayan. Nasasaktan ang babaeng iyon. Nasasaktan ang ating Inang Bayan.
0
Jul 23, 2019
Jul 23, 2019 at 5:55 AM UTC
K A S A Y S A Y A N
May mga lugar tayo na mahirap sa atin ang balikan Minsan malayo, Minsan maulan, Madalas walang oras. Pero kailangan natin puntahan.                  Ilan lang yan sa mga rason na mas gusto ko nalang isipin                  Para madaling magdahilan.                  Pero kapag puso ang tumawag,                  Kalinga ang nangailangan                  Pag unawa ang nais maging hantungan. Iniisip ko, Ano ba ang dahilan bakit mahirap balikan. Binabalik ako sa katotohanang, Wala na.                                      Wala na ang tao sakin na madalas maghanap.                                           Madalas mangamusta.                                               Madalas magsabing magpataba ka.                         Ang kahit kelan hindi ako tinuring na iba,                  Kahit kailangan na.                                           Marahil ito nga. Dinadala ako sa ibang direksyon, Sa ibang tahanan, Sa tahananang walang ibang tao. Sa tahanang hindi ko na maririnig ang tinig mo. Hindi ko na mahahawakan ang malambot at mapagkalinga **** braso. Wala na ang biro, tawa at masigla **** tinig na nagpapaingay ng paligid.                                         Marahil ito nga, Bumubungad sakin ang isang kahon ng alala Na sa pag ihip na lang ng hangin ko maradarama. At sa ganda na lang ng paglubog ng araw ko na lang makikita. Ang mga tinago kong munting ala-ala
0
Jul 31, 2018
Jul 31, 2018 at 2:13 AM UTC
ala-ala

31
Inaalala ang araw na tila yata dapat kalimutan at ibaon sa lupa. Inaalala ang araw na akala'y umpisa ng kasiyahan ngunit naging simula at  sanhi ng pag pagkabigo ng pusong hanggang ngayon ka'y hirap buuin. kakalimutan hindi dahil puno ng pait ang araw na iyon, kungdi dahil ikaw mismo ang nag bigay walang silbi sa isang araw na tumibok ulit ang pusong takot magmahal. Kakalimutan ang bawat alaalang magpapaalala sa isamg araw na nagsimula at natapos ang paniniwala ng isang tulad ko sa pagibig.
0
Feb 1, 2018
Feb 1, 2018 at 9:11 AM UTC
Alaala
Naaalala mo ba Sa twing umuulan Minsan mo akong pinayungan At hinatid sa sakayan? Naaalala mo ba Sa twing mag aalas singko Minsan mo rin akong nilibre At pinakain sa McDo? Naaalala mo ba Sa twing pupunta ka sa opisina Andon ako, nag aantay Habang tumutugtog ng gitara? Naaalala mo ba Ang mga ngiting aking ipinipinta Sa aking labi sa twing Ikay nakikita? Tanong ko lang Naaalala mo kaya ako? Dahil ni minsan Di ka pa kasi umaalis sa isip ko.
0
Jan 6, 2018
Jan 6, 2018 at 3:13 AM UTC
Tanong ko lang
Isang buntong hininga Kapalit ng libo-libong alaala Na dala ng mga kanta Na dati'y inalay niya sayo, sinta
0
Aug 12, 2017
Aug 12, 2017 at 11:00 AM UTC
Buntong hininga
Huminga ulit ako nang malalim Pinipigilan kong pumatak ang aking mga luha Binasa ko ang mga tulang sinulat ko noon Binasa ko ang mga tulang nag-iwan ng bakas sa akin. Wala na, pumatak na ang unang luha Di ko na maalalang sinulatan kita At na sa bawat salita ay naiisip ka Nalimot ko na ang masasaya. Pumatak ang pangalawa At tuloy tuloy na ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata Hindi dahil sa puro sakit at lungkot ang naiwan sa akin Kundi dahil hindi ko maalalang minahal kita. At habang binabasa ko ang mga linyang tumutugma Nagugulo ang isip ko sa mga salitang naisulat pala Masakit na wala na akong mabalikan Wala akong alaala at hindi na mauulit ang nakaraan. Mahirap ang makalimot Ngunit alam kong mahirap pa ang malimutan Mahirap ang... Bakit ko ba sinusulat ito?
0
Aug 7, 2016
Aug 7, 2016 at 4:35 PM UTC
Nakalimutan ko na
Iyak. Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit. Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi. Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot. Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito. Noon. Hindi na ngayon. Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos. Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma. Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon. Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso. Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan. Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na. Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan. Sayang. Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok. Awat na. Pihit. Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak. Pihit pa. Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…” Isang pihit nalang. Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha. Tama na. Tahan na. /e.m/
0
Jan 29, 2016
Jan 29, 2016 at 4:18 PM UTC
Hilamos ng Alaala

27
Bakit sadyang mapagbiro ang tadhana? Hinayaan na ikaw ay makilala. Mabihag ang puso ko'y 'di inakala. Nang lumaon, ako sayo'y nahalina. Ikaw ay sinubukan na makausap, At aking sinambit ay "Hi! Hello! What's Up?" Inakala na ika'y sadyang mailap. Pagkat mga salitang iyo'y ang saklap. Dyahe, napaka-labo nga naman diba? Maging ikaw at ako, 'ika ng iba. Subalit 'di nagpadaig sa mga duda, Hanggang loob mo'y tuluyan ng makuha. Ang hangin ay malakas na umiihip, Sa labas habang ako ay nag-iisip. Kung pwede nga lang sana ito i-skip, Ngunit ang dibdib ay lalo lang sisikip.
0
Aug 21, 2015
Aug 21, 2015 at 2:40 PM UTC
*Malabo*
panahon nang sumulat… muli… hubaran ang puso’t bulatlatin ang mga alaala. para saan pa’t sa maraming tao’y inimbak ang luha ng nakaraan, kung ito’y kailanma’y hindi mapapakinabangan? kaya’t patawad, puso, sa aking sayo’y pagpapaluhang muli. salamat, isip, sa iyong pagpapaunlak sa hiling na paminsan pa’y isatitik silang kapagdaka’y lumisan din. 060915
0
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 1:43 PM UTC
panahon nang sumulat