Nakita ko si Duterte Nakita ko ang presidente Nang bawian niya ng buhay ang isang residente Siya ba ang nagbigay ng buhay na kahit walang laman Pinipilit isalba ang hamak na katawan? Pinipilit iukol lahat ng kagustuhan Ang mamang iyon ay nais lamang ang kanyang tahanan Nang bombahin ng trak ang barikada Kinalabit ng pangulo Makamandag na sandata’t lumabas ang punglo Nasaksihan ng musmos ang pagsabog ng bungo
Nakita ko ang presidente Sa pila PNR Kung paanong tinusok niya ang bag na aking dala At kung paanong ngumiti siya nang ako’y makaraan At nang minsang ang tren, ako’y iwan Sinamahan akong simpatyahan Nang isang huli nalang ako na ay liban
Nakita ko ang presidente Nang minsan akong pumunta sa palengke Isang sanggol ang kanyang hinehele Habang binibilang sukli ko sa bente Nagkataong kulang pa ng siete Itinulak niya ang isang bata Binastos ang isang matanda At isang babaeng di tinulungan sa dalahin Binuska ang linya ng kanyang ipin
Nakita ko ang presidente Nang bigyan niya ng tinapay ang isang pulubi Nang hindi niya itinapon ang basura sa tabi-tabi At sa kapwa matuwid siyang nagsilbi
Nakita ko ang presidente Sa mata ng isang bata Nagsisismulang isipin ang tama o mali Kung sinong dapat idolohin O kung dapat bang maging padalos-dalos at matulin
Tunay na siya ang salamin ng sambayanan Ang piniling maging repleksyon ng paniniwala nati’t kakayahan