Gusto kong magtanong, "Ba't ayaw **** bumaba? Ba't wala Kang ginagawa?" Lumuluha ang Langit, Pero tila ba pinagmamasdan Mo lamang Siya.
Nawawalan ng kislap ang mga bituin, Ngunit hindi Mo hinahawi ang mga Ulap Na pasan ang mga sarili't may pighati ang kalooban.
Ako'y nagyeyelo sa lamig ng pag-ibig, Hindi maihimbing ang sarili Pagkat salat sa kumot ang sasakyang bumubulusok. Nais kong tapalan Ang pusong nagkulang sa yakap at haplos, Na parang uhaw sa kapeng mainit Siyang pantanggal lamig ng kahapon.
Ako'y nanlalamig -- Bagkus puso'y iba ang eksperimento.
Hindi ko maipaabot Sayo ang liham na nakatiklop, Pero ang ningas ng Iyong kariktan, Siyang bumubulong sa isipan ng kalinawan.
Trono Mo'y napakataas, Pero ni minsa'y hindi Ka nagmataas. Sa paggulong ng sandali, Ang ulan ay kinitil at ako'y saksi sa'Yong Ilaw.
Panahon, pana-panahon lamang ang ulan Na siyang susubok sa pusong may laman. At kung minsang nasubok ko ang Iyong Liwanag, Ako'y hindi Mo binigo sa *makabagong Silaw.