Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 2016
G
Ang kulit mo.
Napakakulit mo.
Ako'y kinukulit ng kinukulit
Hanggang sa hindi na naulit.

Anong nangyari sa'tin?
Ay, may nangyari ba?
Ah, wala nga pala.
Kasi nga diba, may iba?

Kinikilig
Na parang hindi.
Ngumingiti-ngiti
Na parang kinikiliti.

Ang dami kong tanong
Ngunit huwag na lang.
Ang dami ko din pinilit
At ayon, mukhang tanga.

Akala ko ikaw na,
Hindi pa rin pala.
Akala ko tapos na,
Ikaw pa rin pala.
Bei Aguilar
Written by
Bei Aguilar  26/F/Philippines
(26/F/Philippines)   
1.0k
 
Please log in to view and add comments on poems