Sa tuwing hahapon ka't Tanaw ng matá, paglao'y Aagawin ng jeep palayo, Paulit-ulit kong hinahanda Ang kilometrong di man Kalayuan, animo'y madalim Na ulap pa ring lumulukob
Sa'king kaligiran. Hihintayin Ka't papayapain, sa pagitan Ng pangitain at pag-asa, na Ilang ulit mang ulitin ang Saglit na paglayo, walang Makakahadlang, tayo ay
Sasagpang at kukubli sa lingid Na daigdig upang maging Mangingipon ng oras, ng rosas. Ngayon: bagyo sa labas, unos sa Loob. Sa tuwing hahapon ka't
Tanaw ng mata, paglao'y aagawin Ng jeep palayo. Ngunit hindi ang Puso, hindi ang pagsuyo.