Napadaan ako sa isang perya Naghahanap ng mga munting ngiti at saya Sa mga nakakamanghang ilaw na tila mga bituin Makaalis lamang sa paglamon ng dilim Makaiwas sa ngiting bitin
Sa aking pagikot, Napansin ko yung mga ngiti Ngiti ng mga taong puti at may pulang labi Kasiyahan dumaloy sa kanilang muka Tunay ba kahit pagtalikod nila?
Isaβy pinagmasdan Tinitigang mabuti ang mukang puti Aking napansin ang isang ngiti ng mukaβy nakapaskil at isang mukang umiiyak na tila walang **** Sa mga taong hindi nakakapansin
Munting payaso Umiiyak nga ba o tumatawa? Magaling magtago ng tunay na nararamdam Na halos kaunti lang ang nakadadama Ikaw, mapapansin mo kaya?