Gusto ko sanang hilingin sa mga bituin na ibalik ka sa akin isigaw sa buong kalangitan kung gaano ako nasasaktan Habang ibinubulong ng mga butil ng luhang pumapatak mula sa mga mata ko ang pait ng katotothanang patuloy pa rin akong umaasang tulad ko’y umaasa ka pa rin umaasang maibabalik pa natin ang dati.
Gusto ko sanang maniwala sa mga mumunting tinig Ng mga kulisap, sinasabing “ayos lang yan, magiging ok din ang lahat.” Na sa bawat lipad ng mga alitaptap Dala ay liwanag na magbubukas sa kinabukasang Tayo pa rin hanggang sa hinaharap.
Gusto ko sanang umasa At huwag mapagod sa mga panalanging Bukas pag gising ko’y ikaw na ang nasa tabi Na ang mga walang kasing tamis **** ngiti ang sasalubong Sa akin mula sa akala kong walang katapusang bangungot Ng sakit at pighati.
Gusto ko sana Gusto ko Gustong gustong gusto ko Na sanang mawala lahat ng sakit Lahat ng poot Lahat ng pag aalinlangan Lahat lahat Pati na ang mga alalang Pilit nagsususmiksik Sa kaibuturan ko Mga alaalang naging mitya ng kahapon At naging hudyat ng ngayon Ang bagong ikaw at ako Na minsang naging tayo. Mga alalang naging dahilan…
Gusto ko Gustong gustong gusto ko ng Kalimutan siya.