Simula palang alam ko na Simula palang alam ko nang katulad ka rin niya
Simula palang alam ko nang mahuhulog ako Kahit na sinabi kong, “Tangina ano, pustahan pa tayo” Simula palang kasi pinaramdam mo na Na sa simulang ito ay maghahantong sa pagtatapos ng “tayo”
Hindi ko nga alam kung bakit ko pa ipinagpatuloy Siguro ay nadala lang din ako sa agos at daloy Bakit nga ba nakinig pa ‘ko sa puso kong nananaghoy Kita mo na ang nangyari, ayan. Ayan tuloy