Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo tatangggapin mo pa ba? Ako? oo. tanga lang eh noh? oh tapos tatawa tawa ka? Kung sabagay… Hindi kita masisissi. Hindi naman ikaw ang minsang lumigaya Sa ibabaw ng alapaap Sa yakap na mahigpit Sa kamay na minsang nakatagpo ng Palad Palad na handang dumamay Palad na handang umakay sa matarik na bundok Binuo ng mga daliring handang takpan Ang minsang mga matang walang humpay na lumuha sa pait na Dulot ng mapanghusgag tingin ng mundo hindi.. hindi kita masisisi dahil hindi naman ikaw nag nakadama ng matamis na lasa sa pagbigkas ng mga katagang ikaw.. ikaw lang.. ang mahal ko. Hindi. Hindi mo narinig ang bawat ngiting Ipininta ng bawat tawang ibingay Sa mga simpleng kantang inialay. hindi.. hindi mo nasaksihan nung araw na ipinaglaban nya ang pagmamahalang tanging mahalagang bagay na meron ako at sya noon. Hindi.. hindi mo naramdaman ang lambot ng kasiguraduhang Matutulog kang nakangiti dahil sya ang katabi mo At gigising kang may ngiti pa rin dahil panatag ka Panatag kang sa bisig nya parin nakahimlay. Hindi.. hind kita masisisi Dahil hindi mo ramdam Ang kirot na humiwa dito.. Nung araw na sinabi nyang “Ayokona” Ayokona? Walang eksplenasyon ni walang pasubali Nabura lahat! Natabunan ng mga tanong hanggang sa naging panghihinayang at poot at Sinabi kong tama na Tama ka nga siguro Ayaw mo na.. Lahat yan tinanggap ko, pilit ipinilit sa isipang Wala na. tapos na. ending na.
Tapos Isang araw Bigla syang kumatok, sabi “sorry” Tanginamo. Para san pa? Ako pa rin daw.. ako parin daw.
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo tatanggapin mo pa ba? Ako? oo.