Alam mo, ayoko na Gusto ko nang huminto sa pagpapaka-tanga Ayoko na matulala at sabay maiisip ka Kasi alam ko na matagal bago ako muling makabalik sa aking diwa
Pwede ba manahimik ka? Ang ingay mo lalo na kapag ako’y matutulog na Bastos at biglaang papasok sa aking isipan Na para bang isipan ko’y iyong kaharian
Hindi ka ba napapagod? Sa kalalaro ng aking pusong lasug-lasog na sa iyong kapapaikot Tuwang-tuwa ka pa at humahalaklak kapag ako’y iyong nabibiro Pag sasabihin **** “last na”, pero sinungaling ka
Edi sa’yo na! Sa’yo na ang kaligayahan at kalungkutan ko Sa’yo na ang pangarap at kabiguan ko Sa’yo na ang lahat ng ako, sa’yo na ang pusong laruan mo
O, ano? Ba’t tumigil ka? Bakit ka biglaang lumayo kung kailan ibinigay ko na? Akala ko ba sa akin ay nasisiyahan ka? Akala ko ba sa akin masaya ka na?
Ah, ngayon gets ko na! Gets ko na na mabilis ka pala magsawa Pagkatapos ng isa, maghahanap ka ng iba Pagkatapos **** manungkit, magtatapon rin pala
Ayan ka na naman at umaarangkada Parang isang sports car na rumaratsada Patungo sa mga babaeng iba’t iba ang klase Iba’t iba ang ganda
Kaawa-awang kababaihan Kasalanan ba nila na natipuhan mo sila Bakit kung parusahan mo ng iyong matatamis na pekeng salita Ay parang mga batang niloloko ng isang salamangkerong desperado kumita
Sana matauhan ka… Minahal kitang tunay ngunit sayo’y lokohan lang pala Sana sa paglipas ng panahon, makatagpo ka Ng isang babaeng paluluhurin ka habang nagmamakaawang patawarin ka niya.