Nung araw na nagtapat ako Totoo ba yung sinabi mo? Nalaman ng buong klase Alam mo bang nasaktan rin ako?
Kinabukasan nagulat ako dahil di nagbago ang tingin mo Kahit na inaasar ka ng mga barkada mo Nilapitan mo pa nga ako Ngunit ako 'tong si tanga na umiwas sayo
Ilang araw ang nakalipas Patuloy pa rin ako sa pag iwas Pilit nila tayong pinag usap Ngunit ayoko pa ring kumalas
Sa bawat paglapit mo saakin Mas lalong naguguluhan ang aking damdamin Bakit ba patuloy mo pa rin akong pinapansin? Kung sinabi mo nang wala kang pakialam sa'kin
Sobrang naguguluhan ako sayo. Lagi naman eh. Noon pa man, bipolar na nga tawag ko sayo. Seryoso nagulat ako nung pinansin mo ulit ako. Akala ko kasi iiwasan mo ako eh. Actually prepared na ako. Hinanda ko ang sarili ko sa mga mangyayari kaso may nagtwist ng plot eh. Kaya eto, naguguluhan ako.