Nang buhay pa si Itay, May tubig pa ang balon. Kanilang tinabunan ng lupa Ang tubig sanang bukal.
Lumisan ako’t yan ang utos Niya, Pagbalik pala’y Siyang tubig ang pagpapantingan ng tainga. Inangkin nyo, sa inyo na.
Una’t pangalawa’y pinag-awayan pa natin, Bagkus sa pangatlo’y doon pala ang biyaya. At doon Siya nagpakita sakin, Nilatag Niya ang pangako Niya Na minsang para kay Itay lamang – Ngayo’y buhay na rin ang pangako Sa aking henerasyon.