Nakakapagod pala talaga Nakakapagod umasa sa wala, Maghintay nang walang kasiguraduhan, Masaktan nang paulit-ulit At paulit-ulit rin naman siyang walang pakealam
Nakakapagod pala talagang Balikan 'yung nakaraan, 'Yung masasayang sandali na hiniling **** wag na sanang matapos, 'Yung mga araw na siya 'yung kasama mo noong namomorblema ka, Na kahit masakit at ayaw **** maalala, nandiyan pa rin
Nakakapagod pala talagang Saktan ang sarili Baka kasi kapag ginawa mo 'yun, makausad ka Kahit konti, kahit sandali, kahit papaano, Kahit imposible