'Sang gabing walang kasintulad ng dati, nang naglalakad ako sa tabi-tabi: animo'y may sigaw na naulinigan hinanap ko't ng ako'y napatulala sa 'di makatarungan.
Tumulong ako kahit 'no pang mangyari para sa taong walang-awang pinaslang; 'di alam ang gagawin at pupuntahan nakita'y may mataas na katungkulan.
At nang dumungaw ako sa paglilitis, nabilanggo'y hindi totoong maysala; dahil lang nga ba sa kapalarang itim o mayro'n lamang s'yang kapit sa patalim?
Ngayon nga'y nandito ang pusong sugatan, baon sa kalungkutan dulot ng rehas: katarunga'y 'di pa batid kung nasa'n na, patuloy na lang ba akong mabubuhay sa nakatagong saya?