Hindi ko alam kung kailan Wala akong maisip kung saan Pero alam kong ikaw ay matatagpuan Kahit siguro umabot ako sa buwan
Siguro ay hinahanap mo rin ako Baka sakaling nagkatabi na tayo sa eroplano Maaaring nakasalubong na kita doon sa may kanto O baka naman nakasama na kita sa trabaho
Sa ngayon kailangan kong maglakbay Patungo sa mga lugar na maaaring ikaw ay naghihintay Hahawakan ko ng mahigpit ang iyong kamay Ipapapaniwala ko sa iyo na merong panghabangbuhay