Ako'y nahulog sayo hindi inaasahan sayo'y magkakagusto akala ko kaibigan lang kita pero mayroon palang hihigit pa
Ika'y nagkukwento tungkol sa inyong dalawa kita ko ang iyong pagkagalak sa iyong mga mata at tuwa sa iyong labing mapula hindi mo alam ako'y nasasaktan na pala
Gusto ko mang mag selos ngunit wala akong karapatan Masakit mang isipin ngunit yuon ang katotohanan
Ako'y nasa gilid habang kayo'y pinagmamasdan masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan Tila pinagtagpo ng panahon para magkatuluyan at ako ito na tinakda para maiwan at masaktan