Bawat hakbang sa buhay na aking tinatamasa binibilang ko't, nag-aasam ika'y makasama; wari'y may 'sang tinig na nagsasabing hintayin ka dahil sa pangakong binitawan mo sa 'sang umaga.
Ni walang bagay na maihahambing sa 'yo, sakripisyo't hinagpis, alay ko sa kahapong bigo: puso'y nangangamba, mababalikan pa ba kaya dahil sa pangakong tinatanghali na't, wala ka pa.
Tambad sa 'king isipan, nag-iisang ikaw pawang pag-asang makita ka lang sa pagdungaw: isipa'y kaygulo kung nasaan ka na, aking sinta; ang pangakong dapit-hapon na't, batid na yaring mga luha.