Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2015
Hindi na ako natuto
Palagi akong nahuhulog sa mga patibong mo
Minsan ako'y tutulungan
Minsan ay hahayaan

Para kang isang elevator
Dadalhin mo ako sa 13th floor
Tapos iiwan mo ako doon
Pero sana babalik ka sa isang pindot lang ng button

Ang gulo-gulo na ng aking isip
Turing mo sakin ay pabago bago kaya ang puso ko'y pagal
Ilang beses mo na din akong iwanan sa taas
Pero nahuhulog pa rin ako sayo dahil sa aking pagmamahal

Ikaw yung paborito kong patibong
Kahit nasasaktan ako gusto pa din kitang makasalubong
......***
Jamie G
Written by
Jamie G  Pilipinas
(Pilipinas)   
Please log in to view and add comments on poems