Masakit ang magmahal, ang maghintay ng matagal, para sa pag-ibig na pinapangarap, laman ng panaginip at sigaw ng hinagap. Maalat ang bawat patak ng luha; mahapdi ang pag-agos sa aking mukha. Bawat araw at gabi'y nag-aabang na may pag-ibig mo'ng sambitin ang aking pangalan. Ako'y isang bihag ng bulag na pag-asa. Ang ibigin ka'y 'di ko naman sinasadya. Ngunit ang sakit at ang kalunasan ng aking paghihirap ay sa'yo lamang matatagpuan.
Oo, masakit ang magmahal, mapait ang umibig sa isang tao'ng hindi kayang ibalik ang aking pagsinta. Ngunit sa aking pagluha, naninimdim, nadudurog at nag-iisa, paulit-ulit pa rin na pipiliin na mahalin ka.