Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2015
maniwala ako sa'yo
sa mga kilos mo
maniwala ako sa'yo
sa mga salita mo

maniwala ako sa'yo
sa mga sinasabi mo
mga bukambibig mo
galing sa iyong mga labi
na hindi nagsisinungaling

maniwala ako sa'yo
sa mga sinasabi ng galaw mo
na siyang nagbibigay pag-asa
aasa
laging umaasa

na sana totoo nga
na sana totoo na lang
na sana totoo ka
na sana wag kang matakot
na sana wag kang magtago

maniwala ako sa'yo
sa mga sinasabi mo
binibigyan kita ng tsansa
para maniwala na ako
sa mga sinasabi mo
sa mga kinikilos mo
maniniwala ako
naniniwala ako
sa'yo
Written by
ESP  Antipolo, Pilipinas
(Antipolo, Pilipinas)   
4.8k
     ACMP and ---
Please log in to view and add comments on poems