Minahal kita higit pa sa inaakala kong kayang magmahal ang isang tao.
Kung tutuusin walang limitasyon ang pagmamahal nguni't hindi natin maikakaila na pinipigilan natin ang mga sarili natin sa pagmamahal ng higit pa sa limitasyon na ating ginagawa. Pero kapag nakilala nila ang taong mahal ko ngayon ay magiging isang tila bahay-bahayan nalamang ng mga bata ang limitasyon kung saan ang akala nila'y simpleng luto, alaga ng bata, at paghahalik sa asawa lamang ang pagbahay; napakarami pa kaysa sa kanilang inaakala.
Minahal kita na higit pa sa inaakala kong hawak kamay at titigan lamang sa mata at pagtatanong kung anong ginawa mo ngayong araw na ito at pagbabati paggising ng umaga at pagpaalam bago matulog sa gabi.
Salamat, dahil natuto akong magmahal kaysa sa inaakala kong dapat **** mahalin ang isang tao.