Sakdal-lungkot ang mga anak Mo, Inang Bayan; Sinakop na, pinaslang pa'ng mumunti **** katarungan. Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit— At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit:
Utak ang puhunan sa di-maarok na mga pag-alsa, kahapon; Ni hindi nabatid ang mga luha't pawis ang sa mukha'y nangaipon, Sa gunita na lamang ba mabubungkal natin ang mga nangagdaan? Kung ang mga salitang sa pluma't papel nalikha'y hindi napangalagaan—
Sa paglalakbay Mo, Pilipinas, sa lansangang walang hanggan, Sana maya't maya'y lilipad ka rin muli sa abang kalawakan; Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit— At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit:
Pagkukunwari ma'y ni 'di Mo maitatago sa oras ng Iyong pagkabalisa, Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan ang s'yang Iyong natamasa. Samakat'wid — habang buhay pa si Rizal ngayon ay 'wag nating itatakwil 'Pagkat tayo'y paunti-unting nakakahinga dahil sa kanyang pluma't papel.