Sabi mo ako ay iyong mahal Pero nagsinungaling ka ng sobrang tagal Nagmukhang tanga at walang kamalay malay Ang mga mata mo sa iba na pala sumusubaybay
Sabi mo ay ako lang at wala ng iba Tuwang tuwang ako at sobrang saya Wala palang katotohanan ang lahat Isa lang ang ating puso, hindi ba yun sapat?
Sabi ko ay kaya kang patawarin Ang nagawa mo ay hindi na iisipin Ngunit ayaw **** tanggapin at pilit pinagtabuyan Dahil ba ang puso mo sakanya na nakalaan?
Sabi ko ay kakayanin ang lahat ng sakit Titigil na at hindi na ipipilit Kahit ang dugong dumadaloy na ay alak Tuloy ang buhay at luha'y hindi na papatak