Maraming beses nang ako'y naging alipin ng damdaming masidhi't napakahirap supilin; Mga aliw ng sandaling tila salamisim, mga sugat ng kahapong wari'y basag na salamin. Kahit anong gawi'y hindi siya maikubli, 'pag yumakap sa puso'y parang nakatali; Pumiglas-piglas ka ma'y wala ring magagawa, Pagka't puso'y gapos na sa pag-ibig na dala. Ang taglay na karikta'y sadyang mapang-akit, Ikaw ma'y nakapikit larawan niya'y nakaukit; At mistula iisa ang 'yong mundo't sinisinta, Kaya't bulag sa biyaya 'pag nawala na siya. Oh, linlang na pag-ibig bakit ba mandaraya? Ang mahina kong puso'y hindi na pinalaya; Sa ligaw **** pangako ng pag-ibig na totoo, Kaylan ba matatanto ang wagas na pagsuyo?