Anak: "Ika'y Tulang muli't muli'y binabasa ng madla, Na 'di makalilimutan; na binabaon sa alaala Tulang puno ng damdamin na ni nais ipabatid At ang saknong ng pag-ibig Mo'y, Siyang tutugma sa puso kong minsa'y naging sugatan."
Ama: "Minsang ibinigay ko sa iyo ang pagkakataong Unawain ang kahulugan ng kamusmusan. Sa lupaing ugat ng iyong kaluluwa't Siyang kanlungan ng mga pangako Ko't Mga pangarap na laan sayo. Bumangon ka, Anak Ako ang Siyang sasagwan Ako ang aabot sayo."
Anak: "Sabay nating kinatha ang tula ng aking buhay; Mga saknong at tugma na sarikulay, Mga katagang baun-baon ko Sa malayu-layong paglalakbay."
Ama: "Pagal ka ma'y, Nanahan pa rin sa puso ng bawat isa, Di mo man tiyak ang katiyakan, natitiyak Ko Na ang pag-ibig Ko'y, kailanma'y di ka iiwan. Anak, hanggang sa huling tapon ng lupa At huling tapon ng luha, Hanggang sa huling liwanag Ng itutulos **** kandila, Hanggang sa huling pagpagpag mo Ng sar't saring pangungulila, Patuloy Kitang mamahalin, Anuman ang mangyari."
Anak:* "Singbigat ng katotohanan At ng pangarap na mala-kalawakan, Ito ang huling handog ng makata **** anak: Ang mabatid kong Ikaw ang buhay na eternal At ako'y isang kathang Ikaw ang tinitingala -- Ikaw ang dinadakila. Ama, ako'y malaya Ikaw ang buhay, Ikaw ang agos Ikaw ang tagumpay; Gisingin Mo ang diwa Ang bugso at alab ng damdaming hilaw Ikaw ang masundan Nang maihain nang patas Ang pag-ibig **** umaapaw."