Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
hindi ko alam kung paano nagsimula lalong hindi ko alam kung kailan magwawakas ang alam ko lang ay mayroon sakit ba ito? sintomas ba ang mga munting kirot sa aking puso? ang ngiting gumuguhit sa bigkas ng pangalan mo? ang paglundag ng puso sa pagtama ng ating mga mata? sakit ba ito? sapagkat lumulubha ang aking mga iniinda nagsimula sa mga paru-paro sa sikmura sumunod ang pagbilis ng pintig ng puso, ang paghabol ng hininga, ang lumbay ng damdamin, ang pagpatak ng mga luha sakit ba ito? dahil kung gayon ay ikaw ang lunas ko at ikamamatay ko na lamang ang karamdamang ito
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:36 AM UTC
sintomas

moonymonay
Written by
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:36 AM UTC
Request permission to use this poem