Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Para sa Araw Mong Araw Niya

by psalmiseta

#103115 Heto, bibilangin ko na naman ang araw, Uno, dos, tres, at mapapahintong bigla sa ikaapat. Hindi batid ang tamang oras O hatian ng minuto't pag-istambay sa segundo, Bagkus, iyon ang eksaktong araw. Panahon na siguro para maisalta ang salita Sa puso mong tila nakakahon pa't hindi pa malaya, Sa pagbubukambibig ng itinabing damdamin, Sa paglisan sa ipinaubaya mong pangakong Minsang pinanghawakan ng pusong hindi pinagdamutan. Kung pipili ako ng salita, baka maubos ito sa kawalan; Gaya ng pagtampisaw ng bituin sa kalangitan. Baka malusaw ito gaya ng yelong nakatiwangwang, At masayang ang tubig na sana'y sagot sa uhaw. O baka mapudpod gaya ng posporo, Paulit-ulit na sinubok ng pagkakataon, Bagkus hindi maisindi ang pag-ibig, Kaya nanatiling walang pahiwatig. At biglang itatapon, ikakahon ang natitirang damdamin, Itatago, hanggang sa magkataong kailangan na talaga. Panalangin ko'y magpalakas ka sa pananampalataya, Wag mong lingunin ang nakaraan, at taglayin mo ang Liwanag. Kung napapagal na'y, wag kang hihinto, Bagkus, mas kumapit ka pa sa may mas mataas na pangako. Narito ako't hindi tatalikod sayo, Susuportahan ka kahit hindi mo makita ang pag-alalay. Panalangin ko'y tapusin mo ang laban, At mas masilayan ang kagintuan ng Haring Araw, Wag kang mabubulag sa mukhang may ilaw. Tingnan mo ang pawang mga kamay, At wag matakot sa pagsuntok sa hangin, Pagkat iilag ang sitwasyon, Bagkus binibilang Niya ang lakas at determinasyon. Mas ialay ang puso sa Kanya, Higit pa para sa pag-ibig na inantala. Hayaan mong makinig ang puso mo, Pagkat nanalangin ang puso ko. Kahit minsa'y kaylayo, kahit hindi ko madipa-dipa. At sa paghihintay natin sa tamang panahon, Kaya ko nang sambitin ang estado ng puso. Hindi sa paghain ng mga letra sa pawang mga mata, Na tila mananatili na lang sa papel na hindi nababasa. Pag muling nagtagpo, Ako mismo ang haharap sayo, Pero tandaan mong baka wala akong masambit. Hindi dahil mahina't naubos na ang lakas ng loob, Bagkus, hindi ako makapapaniwala Na ang oras ay tunay at eksakto para sa pagkikita. Hindi ko mapipigil ang pagluha buhat sa saya, Pagkat ang kabiyak ng pusong minsang nasugatan at hinulma'y Kaya nang matitigan kahit hindi na magbilangan ng oras. Mayayakap na hindi lang dahil sa pagmamahal, Bagkus, pahiwatig sa pasasalamat na tunay ngang ikaw. Pag-ibig Niya ang dahilan Kung bakit patuloy na naghihintay, At kung bakit patuloy kang ipinaglalaban, Patuloy na ibinabatak sa Maykapal. Sa Kanya ang papuri sa umusbong na damdamin, Ang pag-ibig ko sayong patuloy na nananatili. Oo, isinapuso ko ang pag-ibig ko sayo't Pinili kong pillin ka, sa kabila nang tila magulong anggulo. Ganoon ang pag-ibig ko, Hindi mo masusukat, bagkus kaya Niyang higitan pa. Kaya't hindi ako lumaban, pagka't mas iniibig ko rin Siya. Hindi mo mababasa, pagkat Siya ang may katha. At kung anuman ang nilalaman ng pusong may sagot, Sana'y katimbang nito ang damdaming ipinaglalaban. At kung kinaya nating magkanya-kanyang kasama Siya, Mas kakayanin na nating magkaisa para rin sa Kanya. At saka na natin sabay na ibabandera Kanyang Ngalan. At pawang magiging patunay sa pag-ibig na nakapaghihintay. Tila kayhirap bigkasin, kahit apat lamang ang kataga. Mahal kita, sana makarating sayo, Sa tamang panaho'y magpalitan nga ng kataga. Sana ikaw ang unang magpatimbang sa Kanya, Maniniwala akong makararating sa patutunguhan Ang liham ng pusong may totoong damdamin.
Request permission to use this poem
Written by
psalmiseta
25 / F / Dubai
For You?
Written by
psalmiseta
25 / F / Dubai
Published
Nov 19, 2015
Lines·Words
91·538
Notes

Para sa taong pinagdarasal ko, maghihintay ako.

Tags
#love#greetings#tagalog#makata
Permission

Request to use this poem

Tell psalmiseta how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write