Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Sayaw

by @mahiwagangcorresel

Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman 'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'? Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang, Sabay ang galaw ng ating katawan Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo: Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo At sa mapupula mong labi ko narinig ang Sinabi mong: ganiyan din ang nararamdaman ko Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba O kahit pareho pa tayong nakapalda Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y Maputulan ng hiniga Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa At mas maingay pa ang bulungan Kaysa awit ng banda O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo Mapapagod din sila Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal Pero huwag ka sanang mabibigla Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad Ng agos na pilit kong nilabanan At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan Sa walang hanggan nating habulan Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam? May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw Ang dalaga noong una't huli kong sayaw Na alam kong imposible nang balikan Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na Lahat ng 'yon ay tunay At mahal kita, maniwala ka Kahit ako pa ang unang bumitaw #
Request permission to use this poem
Written by
mahiwagangcorresel
21 / F
For You?
Written by
mahiwagangcorresel
21 / F
Published
Aug 21, 2021
Time
4m
Notes

2017 spoken poetry piece

Tags
#filipino#tagalog#spokenpoetry#poetry
Permission

Request to use this poem

Tell mahiwagangcorresel how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write