Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
slow burn ba 'to, o ilusyong ginawa ko? antagal na... antagal na nating alam ang pangalan ng isa't isa pero hindi sapat para sabihing kilala na kita kung sino ka ba talaga Ilang taon na rin ang bilang kung saan nadagdag ako sa tauhan ng buhay mo at nadagdag ka sa storya ko sa kalagitnaan nito, nag-usap tayo doon naramdaman ko na may apoy na nabuo sa halos araw-araw na palitan ng mensahe natin pero pinigilan ako ng nakaraan ko na mariin pang nakakapit sa akin noon hindi ko pinilit ang kapit at hinayaan muna ang apoy dahil hinihintay ko ang panahon na kusang pipiglas ito nang walang masasaktan sa ating dalawa Pero kumain ito ng oras araw, buwan, at taon lagi ko sinisilip ang liyab nito simula nung naging madalang ulit ang pag-uusap nating dalawa at ngayon, tuluyang binabalikan ito naghihintay at naghahanap ng paraan kung saan mapapasiklab ito muli nang malakas kaso, totoo ba 'to o gawa-gawa lang ng utak ko baka matagal na talagang namatay ang kutitap na natira sa mahabang panahon at sayo'y matagal na ring madilim at malamig ang sinindihang apoy Kaya pa kaya kung magsisibak ako ng kahoy Ipapakain sa napupunding init Upang maging malinaw at maliwanag Ako at ikaw Sana makita mo ako sa liwanag na dala nito sa sabik kong makita kita at makilala ang tunay na ikaw Hindi lang sa kamangha manghang anyo mo pero sa pakiramdam na pwede kong ialay sayo at mga pwede **** iaalay sakin Kung paano nga ba nabuo at kung paano pa liliyab ito Kung ilusyon 'to, paano ko ba ito gagawing totoo? -ousson
0
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:31 PM UTC
slow burn ba 'to, o ilusyong ginawa ko?

Written by
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:31 PM UTC
Request permission to use this poem