#ousson
Nakahawak na ba kayo
ng lapis at pambura
at papel na gamit
Dahil wala nang ibang makita
Kukunin ang gitara
at manghuhula ng melodiya
sa isinulat na mukha
na tanging naaalala
pantasyaaaa
gusto kang... makilalaa
oh pantasyaaa
ako kaya'y naaalala
Pinipilit na maging makata
para tuluyang madama
ang sinusulat na kanta
para
sa dalagang di naman kilala
umiisip ng matatalinghagang
salita
na maaaring idagdag
sa talatang isinusulat
para sa dalagang
ilang beses lang nakita
kung saan
na hindi kailan man nilapitan
para tanungin ang kanyang pangalan
- ousson
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:52 PM UTC
slow burn ba 'to, o ilusyong ginawa ko?
antagal na...
antagal na nating alam ang pangalan ng isa't isa
pero hindi sapat para sabihing kilala na kita
kung sino ka ba talaga
Ilang taon na rin ang bilang
kung saan nadagdag ako sa tauhan ng buhay mo
at nadagdag ka sa storya ko
sa kalagitnaan nito, nag-usap tayo
doon naramdaman ko na may apoy na nabuo
sa halos araw-araw
na palitan ng mensahe natin
pero pinigilan ako ng nakaraan ko
na mariin pang nakakapit sa akin noon
hindi ko pinilit ang kapit
at hinayaan muna ang apoy
dahil hinihintay ko ang panahon
na kusang pipiglas ito
nang walang masasaktan sa ating dalawa
Pero kumain ito ng oras
araw, buwan, at taon
lagi ko sinisilip ang liyab nito
simula nung naging madalang ulit
ang pag-uusap nating dalawa
at ngayon, tuluyang binabalikan ito
naghihintay at naghahanap ng paraan
kung saan mapapasiklab ito muli nang malakas
kaso, totoo ba 'to
o gawa-gawa lang ng utak ko
baka matagal na talagang namatay ang kutitap
na natira sa mahabang panahon
at sayo'y matagal na ring
madilim at malamig ang sinindihang apoy
Kaya pa kaya kung magsisibak ako ng kahoy
Ipapakain sa napupunding init
Upang maging malinaw at maliwanag
Ako at ikaw
Sana makita mo ako sa liwanag na dala nito
sa sabik kong makita kita
at makilala ang tunay na ikaw
Hindi lang sa kamangha manghang anyo mo
pero sa pakiramdam na pwede kong ialay sayo
at mga pwede **** iaalay sakin
Kung paano nga ba nabuo
at kung paano pa liliyab ito
Kung ilusyon 'to,
paano ko ba ito gagawing totoo?
-ousson
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:31 PM UTC