Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
ousson
18 love
who am I if not who yearns who ought to commit a folly If I is the name at fault If one's heart dances in beat and what is mellow in facade— a war inside to succumb in such madness they call love when I doubt and falter in chaos of chatter, the tongue mutters a spell made for itself a declaration of defeat by a pretentious offender in which I is the name whom guilty of thy crime
0
Apr 2
Apr 2, 2026 at 11:18 AM UTC
Who Am I if Not Who Yearns
kung ikaw ay nilalamig huhubarin ko ang jacket ko para ibigay sayo kahit na magyelo ako sa sulok manginig at mamulupot basta maramdaman mo ang init ng lihim kong pagsinta sayo kung ikaw ay nagugutom bibilangin ko ang barya kong inipon sa pitaka ko tatakbo at bibili ng paboritong pagkain mo kahit maubos ang laman ng bulsa umulit ang ipon sa simula basta maipadala ng mga pagkain ang paruparung nagaalburoto sa tiyan ko kung nabibigatan ka sa dalahin mo gamitin mo ang balikat, braso, at kamay ko isama mo na ang likod na 'to kayang kaya ko buhatin basta mabawasan ang pagod sa mga mata mo kung kailangan mo ng kasama buburahin ko ang plano sa araw na to papalitan ng pangalan mo babyahe at sasabihin kay manong drayber dalhin ako sayo iaalay ko ang kabuoan ko basta ako ang makatabi mo kung mararamdaman mo ikaw ay tangi at ako'y sayo basta malaman **** saiyong - iyo lang ako
0
Feb 11
Feb 11, 2026 at 6:41 AM UTC
sa'yo lang ako
hindi ako magaling gumawa ng tula magsulat ng kanta o lumikha ng musika pero pupulot ako ng lapis o ballpen o kahit ano mang mapulot kahit uling pa yan na tig limang piso o batong nakakalat sa tabi ng kalye iuukit ko ang mga letra sa lahat ng wikang nalalaman ko tagalog man o ingles kahit hapon pagaaralan ko kung ang mga salita namang iguguhit ay tungkol at para saiyo
0
Feb 11
Feb 11, 2026 at 6:39 AM UTC
hindi magaling na manunulat
Kung pwede lang gumawa ng sariling hukay tatalon ako rito't pagsisihan ang mga kasalanan ko Hindi ko gusto maging isang bomba nauubusan ng oras at pasensya Hindi ko hiling makasakit ng tao sa oras na pumitik ang orasan ko Kung ako ay may pagkakataong mabuhay muli mas gugustuhin ng paa kong tumakbo palayo Natatakot sa isipin na mauulit ang mga desisyon ko -ousson
0
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:57 PM UTC
ililibing ko ang sarili ko
Nakahawak na ba kayo ng lapis at pambura at papel na gamit Dahil wala nang ibang makita Kukunin ang gitara at manghuhula ng melodiya sa isinulat na mukha na tanging naaalala pantasyaaaa gusto kang... makilalaa oh pantasyaaa ako kaya'y naaalala Pinipilit na maging makata para tuluyang madama ang sinusulat na kanta para sa dalagang di naman kilala umiisip ng matatalinghagang salita na maaaring idagdag sa talatang isinusulat para sa dalagang ilang beses lang nakita kung saan na hindi kailan man nilapitan para tanungin ang kanyang pangalan - ousson
0
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:52 PM UTC
kanta para sa di naman kilala
slow burn ba 'to, o ilusyong ginawa ko? antagal na... antagal na nating alam ang pangalan ng isa't isa pero hindi sapat para sabihing kilala na kita kung sino ka ba talaga Ilang taon na rin ang bilang kung saan nadagdag ako sa tauhan ng buhay mo at nadagdag ka sa storya ko sa kalagitnaan nito, nag-usap tayo doon naramdaman ko na may apoy na nabuo sa halos araw-araw na palitan ng mensahe natin pero pinigilan ako ng nakaraan ko na mariin pang nakakapit sa akin noon hindi ko pinilit ang kapit at hinayaan muna ang apoy dahil hinihintay ko ang panahon na kusang pipiglas ito nang walang masasaktan sa ating dalawa Pero kumain ito ng oras araw, buwan, at taon lagi ko sinisilip ang liyab nito simula nung naging madalang ulit ang pag-uusap nating dalawa at ngayon, tuluyang binabalikan ito naghihintay at naghahanap ng paraan kung saan mapapasiklab ito muli nang malakas kaso, totoo ba 'to o gawa-gawa lang ng utak ko baka matagal na talagang namatay ang kutitap na natira sa mahabang panahon at sayo'y matagal na ring madilim at malamig ang sinindihang apoy Kaya pa kaya kung magsisibak ako ng kahoy Ipapakain sa napupunding init Upang maging malinaw at maliwanag Ako at ikaw Sana makita mo ako sa liwanag na dala nito sa sabik kong makita kita at makilala ang tunay na ikaw Hindi lang sa kamangha manghang anyo mo pero sa pakiramdam na pwede kong ialay sayo at mga pwede **** iaalay sakin Kung paano nga ba nabuo at kung paano pa liliyab ito Kung ilusyon 'to, paano ko ba ito gagawing totoo? -ousson
0
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:31 PM UTC
slow burn ba 'to, o ilusyong ginawa ko?

Continue reading...
48