Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
ako ay nakatulala sa lugar kung saan walang madla; at ang isipan ko'y binabaha ng mga hindi ko nasabing salita. ako ay nasa dagat pa rin, at ang bawat ihip ng hangin ay simbolo ng aking dalangin na sana siya ay mapasa akin. ang mga puno ng niyog ay gaya ng pagmamahal kong matayog. mataas at hindi makasarili, spaagka't sakanya ay nawiwili. ang bawat butil ng buhangin ay parang pag-ibig kong hindi kapusin; bilyon-bilyong damdamin, pag-ibig para sakanya na hindi ko inamin. ang bawat alon na humahampas, ay parang mga sandaling aking ipinalagpas; mga bagay na matagal ko na dapat sinabi, ngayon ako'y ginagambala ng pagsisisi.
0
Jul 21, 2018
Jul 21, 2018 at 12:05 PM UTC
dagat.

mellowfantasies
Written by
22/F/8000 Philippines
Jul 21, 2018
Jul 21, 2018 at 12:05 PM UTC
Request permission to use this poem