Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#dagat
Sa lawas ng dalampasigan ko isusulat ang libo-libong tula at mula sa mga himig ng alon sa laot, doon ako huhugot ng mga tayutay at saknong na may lantay at tugma.
0
Feb 4, 2021
Feb 4, 2021 at 8:06 PM UTC
Tabing-Dagat
ako'y pupungas-pungas ngunit pinili ang mata'y isarado pinilit matulog, nagbabakasakaling ang payapang panagip ay bumalik; ako'y nasa lugar na nais sa lugar na lahat ay tunay, sa lugar kung saan walang madla, sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama sa likod ng ngiting pinapakita. nakaupo sa pino ngunit puting buhangin, pinagmamasdan ang tulog na ulap sa likod ng mga kumikinang na bituin, at pinapakinggan ang tila walang sigla na hampas ng alon sa dalampasigan isip ko'y binabaha ng mga salitang hindi mailabas, sa tahimik na lugar na nais nagtanong sa sarili, "mayroon pa bang saysay itong buhay na walang halaga?"
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 1:02 AM UTC
isla
ako ay nakatulala sa lugar kung saan walang madla; at ang isipan ko'y binabaha ng mga hindi ko nasabing salita. ako ay nasa dagat pa rin, at ang bawat ihip ng hangin ay simbolo ng aking dalangin na sana siya ay mapasa akin. ang mga puno ng niyog ay gaya ng pagmamahal kong matayog. mataas at hindi makasarili, spaagka't sakanya ay nawiwili. ang bawat butil ng buhangin ay parang pag-ibig kong hindi kapusin; bilyon-bilyong damdamin, pag-ibig para sakanya na hindi ko inamin. ang bawat alon na humahampas, ay parang mga sandaling aking ipinalagpas; mga bagay na matagal ko na dapat sinabi, ngayon ako'y ginagambala ng pagsisisi.
0
Jul 21, 2018
Jul 21, 2018 at 12:05 PM UTC
dagat.