Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Kurtlopez Aug 2023
Kung madatnan mo man ako na umiiyak huwag mo sana akong tanungin kung ano'ng problema, bagkus ay hayaan mo lang ako at kung sa kagustuhan mo hindi ko rin mamasamain ang pagtabi mo sa‘kin. Hindi kasi ako marunong magkuwento, hindi ko pa nasubukang maging bukas para malaman ng iba ang mga pinagdaanan ko. Nakasanayan ko na kasing magkimkim kahit mabigat na sa damdamin.

Kaya kung makita mo man akong luhaan, hayaan mo 'ko, huwag ka sanang mangusisa dahil kung gusto ko nang magkuwento tatakbo agad ako sa‘yo.
Kurtlopez Aug 2023
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam".

Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala.

Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na.

Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas.

Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin.

Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito.

Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Kailan kaya ako magiging destinasyon?
Kurtlopez Aug 2023
May mga bagay na alam natin sa sarili natin
tanggap na natin ito
Pero sa tuwing sumasagi to sa isipan natin
Nasasaktan tayo, nalulungkot tayo
Siguro sa kadahilanang labis tayong umasa
Binigay natin ang lahat
Nalulungkot tayo kase hindi natin nakuha yung gusto natin
Umaasa tayong may magandang ibabalik ang mga ginawa natin
Nasasaktan tayo kase nagmamahal tayo

08/09/23
Kurtlopez Jul 2023
"Nakakaubos din palang magbigay, magtiwala at kumilala. Minsan naghahangad kalang na tratuhin ka ng tama pero kabaliktaran pa ang pinadadama nila. Pinatuloy mo sila sa buhay mo pero gagawin ka pang katatawanan sa kabila ng magandang paggalang mo sa kanila."
Kurtlopez Jul 2023
Sa mga taong patuloy na lumalaban kahit na mag isa, kahit na mahirap, kahit na masakit. sa susunod na panahon, sana sa atin naman umayon ang pagkakataon. 🖤
Kurtlopez Jul 2023
Kinuwento ko sayo
Lahat ng aking nakaraan
Kung paano nila ako winasak at sinaktan

Kinuwento ko sayo lahat
Hindi para tularan
Kundi para iyong iwasan

Subalit lahat ng ito
Pinaranas **** ulit
Ang bawat sugat ko
Pinasariwa **** muli

Ang tagal kong natakot umibig muli
Dahil takot akong maiwan naman sa huli
Pinanghawakan ko ang pangako mo
Pangakong hindi sasaktan ang iniingatan kong puso

Ikaw ang dahilan
Bakit takot na uli akong magtiwala
Ikaw ang dahilan bakit hindi na ako naniniwala
Ikaw ang dahilan para maisip kong
Hindi totoo ang salitang "pag-ibig"
Kurtlopez Jul 2023
Madalas sinasabi ng nanay ko sa'kin, "Masanay ka na lang kasi, ganoon naman talaga eh."

Pero palagi kong iniisip,  na kailangan ba talaga natin sanayin ang sarili natin sa mga bagay na hindi naman dapat natin nararanasan?

Hindi ba pwedeng tayo na mismo ang gumawa ng paraan para makalaya mula sa mga salitang paunti-unti tayong sinasakal o pinapatay sa sakit. Kasi hindi naman dapat palaging ganito, hindi ba?

Kasi minsan kahit sanayin natin ang sarili natin, may mga pagkakataon na hinihiniling natin na sana — sana kinabukasan magbago na ang lahat at hindi ko na muling maranasan ang umiyak.
Next page