Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Kurtlopez Jul 2023
Masakit pero kailangan nating tanggapin na di lahat ng gusto natin mapapasaatin the good way na magagawa natin ay palayain at mahalin nalang ang sarili natin, kasi u know kung ipipilit pa natin yung gusto natin paulit ulit lang tayong masasaktan paulit ulit lang ung hapdi sa puso natin pede naman na maging masaya nalang tayo sa kanya sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya alam mo kung mahal mo talaga sya masaya ka sa mga bagay o taong nagpapasaya sa kanya
Kurtlopez May 2023
Gawin mo'kong pang-apat sa 'yong mga prayoridad; sarili, pamilya at pangarap.

Huwag kang mag-alala, hindi ako makikipag-agawan ng puwesto sa mga bagay na nararapat **** unahin, bagkus ay susuportahan kita at kung dumating man yung araw na kailangan mo munang lumayo upang abutin ang iyong mga pangarap—ihahatid kita.

Hihintayin kita.

Naniniwala akong may tamang oras na nakalaan para sa'tin ang mundo kung kaya't hindi na muna ipipilit ang mga bagay na hindi pa napapanahon.

Darating din tayo dun.

Kapag tama na ang panahon.
Kapag sumang-ayon na ang pagkakataon.
Kurtlopez May 2023
Bibilang ng lima
upang sarili'y mapakalma
sabay bugtong-hininga
mga luha'y nagsitulo na pala
dahil hindi na kinaya ang sakit na dala,

akala nila wala akong problema
akala ng iba ako ay masaya
akala nila wala akong iniinda
nasanay kasi silang lagi kang nakatawa
nasanay kasi silang lagi kang masaya
nasanay kasi sila na ganyan ka,


napakahirap na sitwasyon
hindi nila alam na saking pag ngiti
sa loob nito'y pighati
iniisip ng iba na nagbibiro lang ako
iniisip nila na hindi ito totoo
pero hindi nila alam unti-unti na akong pinapatay nito,

dinadaan ko nalang sa pagpapatawa
upang ang iba'y mapasaya
ngunit sakabilang banda
ay may salitang nag nanais na "ako naman sana."

nag tatago sa bawat ngiti sa labi ko
ang sandamakmak na problemang pasan-pasan ko
sakabila ng aking pagtawa
ay may lungkot na dinarama,

ginawa ko naman ang lahat,
ngunit bakit hindi parin sapat
hindi ba nila nakikita
o ayaw lang talaga nila bigyang halaga,

siguro nga talagang walang nagmamahal sakin
dahil walang umiintindi
sa aking pag inda
lunod na lunod na ako sa kalungkutan
labis-labis na akong nahihirapan,

puso ko'y hirap na
Ayoko ng magpanggap pa
magpanggap na masaya ako
sa harap ng iba
dahil ang totoo, halos 'di ko na kaya,

ako'y biktima ng sarili kong kalungkutan
biktima ng kahibangan
biktima ng kapighatian
biktima ng pusong mapanlinlang
at biktima ng isip na nais ng lumisan,

hindi ko na kilala kung sino ako,
hindi ko na kilala ang sarili ko
kailan ba ako makakatakas dito
sa higpit ng kadilimang
bumabalot sa isip ko

alam kong hindi ko na kaya
pero kakayanin ko pa
kakayanin kong muling
makatayo sa sarili kong mga paa
upang masolusyonan
ang aking problema

kakayanin kong lumaban
dahil ayaw kong maging talunan
at hinding hindi ako magiging talunan
kakayanin kong labanan ang lungkot
upang hindi na ako tuluyan nitong mabalot,

alam kong may kwenta
akong tao dito sa mundo.
alam kong may nagmamahal
pa sa akin ng totoo
alam kong ang Diyos ay
lagi kong kasama sa lahat ng dako
alam kong Sya ay laging nasa tabi ko
alam kong yayakapin
nya ako sa bawat pighating ito!

hindi ako magpapalamon sa aking depresyon
lalaban ako kahit problema'y
kasing lakas ng alon
lilipas din ang hapti ng kahapon
hindi man ngayon
ngunit darating ang bukas
at itong kalungkuta'y magwawakas.
Kurtlopez May 2023
"Gusto kita"

Oo gusto kita diko alam san ba 'to nag simula.
Basta nagulat na lang ako isang araw na, boom! Gusto na kita.
Gusto kang makita, gusto kang maka usap, gusto kang makabiruan sa bawat oras.
Gusto ko rin sana mapansin mo,
Pero pano kung sa lahat nang mga sinasabi ko, babarahin mo lang ako.
Kaya dinadaan ko na lang sa biro ang lahat, nang sa ganon mapatawa parin kita kahit na simple at totoong paraan.

Gusto kitang kitain pero paano Kung hanggang magkaibigan lang?
Kurtlopez May 2023
Alam mo ba kung bakit sa Gabi hindi Ka makatulog kaagad?

Maliban sa Insomnia
Naranasan mo din ba?

Ako kasi madalas


Ung ..


Hihiga ka, babangon, iinom ng tubig at hihiga na naman ulit. Pag Higa mo mamaya makakaramdam ka na naiihi ka, pagkatapos ipipikit mo mata mo at didilat kana naman bubuksan ang cellphone para lang sumakit ang mata para makatulog. Pero kahit puyat na puyat ka na bigla ka na namang mapaisip at itatanong sa sarili.  

Okay Lang ba ako?
Magiging masaya pa ba ako?
May mali ba sa sarili ko?

Nakapikit na nga mga mata mo pero dilat at gumagalaw parin ang utak mo. Bigla kanalang malulungkot. Bigla kanalang iiyak, bigla ka nalang manghihina.

Kailan ka makakatulog?

Makakatulog ka Lang pagkatapos **** umiyak dahil sa pagod ng utak at puso mo. Sa madaling salita..
Kapag matagal matulog ang Tao ibig sabihin malalim ang lungkot Niya.  

Kaya pag may kilala kang tao na puspusang nag oonline kahit gabi na o umiiyak gabi-gabi wag **** tawanan kasi hindi mo alam kong anong nararamdaman o pakiramdam nila.
( At kung naranasan mo ito ibig sabihin napakalungkot mo dn tao kagaya ko )
Kurtlopez Feb 2023
Sa kaibuturan ng puso
Makikita ang dulo
Dulong walang hangganan
Kung saan ikaw ang laman

Naging panatag sa karimlan
Dahil ika'y andyan
Nagsimula ang umaga
Natapos sa gabing nakatawa

Aking mukha'y nakatawa
Pag ika'y laging kausap
Kaya't sana'y wag mawala
Dahil ikaw ang aking pahinga
Kurtlopez Jan 2023
Patapos na ang taon!!
Paano kaya tayo nakaabot sa sitwasyon na ito.
Nitong nakalipas lang hinihiling na mawalay sa mundo to pero lumalaban ka parin, pagmasdan mo nandito ka parin nagpapatuloy ―
Siguro bago natin salubongin ang panibagong taon ayusin at taposin ang mga problema ng nakaraan;
Mahirap simulang ang bagong pahina kung ang luma pahina ay punit at di kumpleto.

Nasabi mo na din to dati!!
Magbabago na ako!!
Sana bago natin ideklarang magbabago na tayo ngayong taon, nawa ay maayos muna natin ang mga gusot ng kahapon ̄
Isipin mo yon ang taon ay nakausad na pero nakakulong ka parin sa nakaraan;
Hindi na natin mababalikan ang nakalipas pero pwede tayo magsimula ng panibago kaya tuloy lang.

Simulan natin to na may kasamang kilos hindi lang puro salita at asa sa iba kundi  matuto tayong tumayo sa mga sariling mga paa.
Salamat sa mga tao nakasama natin dahil sila ang ating kasama pagtaas pa mula una at hanggang pagbaba, madadagan man o mabawasan sila ang mahalaga nandito ka parin.
Sana magtuloy tuloy ang samahan hanggang sa panibagong pahina.

Salubongin natin ang panibagong pahina na may kasamang pagtitiwala sa Diyos.
Maligayang Bagong pahina, pag-asa, yugto at Taon.....
Next page