Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kate Burton Jan 2017
i keep telling myself that i won't be there for you anymore
that it's tiring to love someone like you
but after a month,
you asked me how i was doing
and just like that
i was beside you again

*~KDCB
Kate Burton Jan 2017
admit it darling,
sometimes you tell him to stop calling
but when your phone lights up,
you still wish it's him

~KDCB
Kate Burton Dec 2016
I know I've prepared for this moment
this moment when i see you with her
But **** it
It doesn't hurt any less
Kate Burton Dec 2016
Ang hirap simulan
Hindi ko alam paano uumpisahan,
Sisimulan ko sa hindi pag pansin,
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari

Kaya ko
Kaya kong mawala ka sa isip ko
Kaya kong mabura ka sa buhay ko na parang walang nangyari
Kunwari kaya ko

Masaya ako na kaibigan kita
Na kaibigan lang kita
Masaya ako na kasama kita
Kahit alam kong may mahal ka ng iba

Sisimulan ko sa hindi pag pansin
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari
Kunwari di ko napapansin ang pangungulila mo sakanya
Kunwari hindi ako nasasaktan

Kunwari hindi ko nalang nakita,
Kunwari wala tayong pagkaka intindihan,
Kunwari hindi mo sinabing gusto mo ako,
At kunwari, hindi ako nasasaktan

Eto na ako at kinakaya ko
Lahat ng sakit at pait na natatamasan
Mawawala rin sa aking damdamin at isipan
Wag mo akong kaawaan

Dahil hindi ka naawa sa akin nung ipinakita mo sa lahat kung gaano kayo kasaya
Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa katarantaduhan **** ginawa
Wala kang pakielam nung nalasing ako at ikaw ang hinanap ko at kulang nalang isuka ko ang pagmamahal mo noong gabing iyon

Hindi mo ako minahal
Paulit ulit ko yang sinasabi sa sarili
At tila paulit ulit din akong sinasaksak
Ngunit kada bigkas ko ng mga katagang iyon, ay unti unting namanhid ang puso

Sisimulan ko sa pag kukunwari
Kunwari hindi ko nalang nakita
Kunwari hindi ako nasasaktan
Pero tangina hindi ko alam hanggang kailan
Kate Burton Dec 2016
Sabi nila, lahat ay nangyayari sa tamang panahon,
Ngunit hindi ko na maalala ang huling beses na sumang ayon ang tadhana sa akin
Minsan nag dududa na ako kung may tamang panahon pa nga ba
Ilang sakit pa ba ang kailangan tiisin bago matamasan iyon?

Nung nakilala kita, akala ko tama na, akala ko ayun na
Akala ko ang tamang panahon ay naririto na
Ngunit hindi parin pala
Sa puso mo'y may nagmamay-ari na pala

Wala akong ibang magawa kundi ang palayain ka
Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan
Kung bakit pinag tatagpo ang dalawang pusong pipigilan din naman
Ito na ata ang pinaka masakit sa lahat, ang pigilan ang nararamdaman

Ilang paalam pa ba?
Ilang pag papa-raya pa?
Ilang pag titiis pa upang magawa lamang ang tama?
Ilang luha pa ang kailangan pumatak sa aking mata?

Kailan kaya maranasan at maramdaman ang saya
Yung saya na nananatili hanggang sa pag gising mo kinabukasan
Hindi ko alam kung kelan ang huli
Huling beses na masasaktan ako bago ko maranasan maging masaya
Kate Burton Dec 2016
Ala-ala sa ating nakaraan
Ngiting hindi makakalimutan
Tanging ikaw lamang
Ngunit nawala na

Paalam sa ating ala-ala
Tila nag bago ang lahat
Sana masaya ka na sa piling niya
Paalam, paalam, paalam
Kate Burton Dec 2016
Oh eto nanaman tayo sa magulong bugso ng damdamin
Maghihintay nanaman tayo ng pagkakataon
Para masabi ang nararamdaman
Nalilito kung ano ang sasabihin sa'yo

Meron pa bang natitirang awa sa'yo?
Sana ay pakinggan mo ang nararamdaman para sa'yo
Wag mo na sanang sirain pa ang puso kong ito
Umaasang mamahalin ako

Oh pasulyap sulyap nalang ba ang magagawa ko?
Sa t'wing ika'y ngumingiti, nahuhulog ang aking damdamin
Nalilito kung ano ang sasabihin ko sa'yo
Umaasang mamahalin ako
Next page