Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Matias Mar 2021
Ang pagkakakilanlan ay isang masayahing bata.
maaalalahanin, magiliw ngunit may tinatagong lihim.
mapusok, matigas ang ulo pero marespetong tao.
mapagbigay, bukas palad kaya madalas nauuto ng kalaro.

Ang aking tula ay pinamagatang "LALA"

Ako si Lala, yung tinatawag lang sa oras ng kagipitan
Naaalala kong hindi ka nga pala maaalalahanin,
Naaalala kong naaalala mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko,
Nakikilala mo lang ako kapag ika'y nakadarama ng lungkot habang magisa,
Ako to si lala, yung kaibigan **** sasamahan ka hanggang ikay muling sumaya,
Ngunit, bakit ganun? hindi mo ako magawang maalala kapag ikaw ay masaya na?
Oo nga pala, naaalala kong naaalala mo lang ako kapag ikaw ay gipit na.
saka mo lang hahanapin at sasabihing namimiss mo ako kung kailan ikaw na lang ulit magisa,
saka mo lang ako bibigyan ng importansya kung kailan di ko na kaya.
Ako si... LALA, naaalala mo lang at kinilala nung akoy wala na.
Matias Feb 2019
Pinili kong piliin ka
Kahit alam kong pumipili ka ng iba
Pinili kong piliin ka
Kahit alam kong may mas higit kaysa sa akin sinta
Pinili kong piliin ka
Kahit alam kong ako’y nilalaro na
Pinili kong piliin ka
Kahit sobrang sakit na
Minsan inaakala natin na sa bawat paghinto
Ay merong mag-aakay sa atin papalayo
Papalayo kung saan tayo nakatayo
Minsan inaakala natin na sa bawat jeep na hihinto
ay tayo agad ang dahilan nito
Minsan may kumakaway sa harap natin
Pero yung kaway na yun ay para pala sa taong nasa likod natin
Mahirap umasa, ayoko na ng akala
Ayoko ng umasa, at mas mahirap akalain
ang akala mo ay may kayo na.
Pwede kang mangarap, pero mahirap
Pwede ka niyang maging kaibigan
Pero hindi pwedeng maging kayo
Pinili kong piliin ang minsang inaakala kong pwede.
Pinili kita
Sana piliin mo din naman ako
Matias Jan 2019
Ito ang aking payo
Sana wag kang lumayo
Wag mo din ipilit
Alam naman natin na masakit
Wag **** itago
Para ika’y mabigo
Umasa, umasa ka pa
Alam naman natin na ginagawa ka lang niyang tanga
Para kang elesi ng electric fan
Pinapaikot-ikot ka lang ng makina niyan
Sabihin na natin na may dating kasi may hangin
Pero hindi mo alam minsan ika’y nakakapuwing
Sakit mo sa mata, mapapaluha ka talaga
Kahit wala kang ginagawang masama sa kanya
Sige lakasan mo pa ang ikot
Ikot lang ng ikot, hanggang sa ikaw ay makalimot
Makalimot sa katotohanang kaya ka niya gusto kasi may silbi ka pa
Matias Jan 2019
Isang tanong, isang salita
Limang letra, oo lima.
Ba, bakit kailangan mangyari pa?
A, ano bang mali kong nagawa?
Ka, kalayaan ba ang hanap mo?
I, ikaw lang naman laman nito.
Ta, tangang-tanga na nga sayo ‘to.

Kaya bakit? May kulang ba?
Tinatanong kita ng paulit-ulit, siya na ba?
Sa tingin ko ay kaya mo na.
Dapat ko ng turuan yung sarili ko na kaya ko na
Kung sakal ka na
Malaya ka na
limang letra ay sapat na
Bakit?
Ang tanong ko sayo.
Limang letra ay sapat na
Matias Dec 2018
Sisimulan natin ang storya sa tatlo kami,
Siya, Si iyun at Si ako
Tinitimpla mo parang kape
Siya, siya Yung nagmimistulang asukal sa buhay mo
Siya, diba tapos na siya? Bakit bumabalik ka pa?
Siya?, siya na pinapaasa mo at ginagamit mo.
Siya, yung nagiging pangraos mo kapag nangngati ka.
Paano naman si iyun?
Si iyun yung nagmimistulang creamer sa buhay mo.
Isang palamuti kumbaga.
Isang nagbibigay kulay sa mata ng karamihan
Paano naman si ako?
Ako yung mapait, ako yung bitter kung tatawagin.
Ako yung pinaka-importante yun ang iyong sabi.
Anong sabi? Bitter ako?
Oo bitter ako, kasi hindi mo alam na mas better ako.
Eh paano kung ang siya ay nawala?
At yung si iyun ay wala naroon?
Pwede bang gampanan ni ako yung dalawang yun?
Pwede ka naman magkape kahit barako lang
Walang creamer, walang asukal
Pero may pait para magising ka naman.
Pero diba ang kape ngayon ay mas tinatangkilik
Kung mas matamis at mas makulay?
Dahil ang kape ngayon ay halos wala ng kape.
Pero babaliktarin ko ang epekto ng kape sayo
Magigising ka kapag wala ng ako
Kabahan ka na kapag wala ng ako
Matias Nov 2018
Ilang beses ba akong masasaktan?
sa paulit-ulit na kaganapan?
pikit mata kong tinatanggap bawat sulat **** mahal mo siya.
nagbibingi-bingihan yung mga tainga ko
pilit sinasalo ng puso na hindi ako, kahit tayo.
ano nga ba tayo?
hindi ko na napapansin kung pinaglalaruan mo lang ako
sa bawat oras gusto ko ikaw
pinapatakbo ko yung mundo ko sayo
pinipilit kong ibaling atensyon ko sa iba pero hindi pa rin
kasi ikaw at ikaw pa rin ang gusto nitong puso kong tanga
sabik, oo sabik akong mayakap ka kahit kayakap kita
uhaw ako sa pagmamahal na kahit kailan sayo ko lang nadama.
baliw na baliw itong isipan ko at pagod na
alam kong kahit tayo ngayon bukas hindi na
dahil malabong maging ikaw at ako hanggang dulo
dahil kung may dulo pa ang dulo, hanggang doon na lang ako.
sawi hanggang sa dulo
pinilit ko hanggnag dulo
at talo pa rin pala ako
Matias Jun 2018
Oo, papansin ako sayo
Pero hindi mo napapansin, na sayo lang ako nagpapapansin.
Oo, papansin ako sayo
Dahil ikaw lang yung gusto kong pansinin.
Oo, papansin ako sayo
pero hindi mo naman ako pinapansin
Oo, papansin ako sayo
pero hindi mo na napapansin sarili mo, na ngumingiti ka ng dahil sa’kin.
Oo, sumosobra na ako!
Sumusobra na ako sa pagpapapansin
Kasi gusto ko, mapansin mo din naman ako kahit isang beses lang.
Tanong ko lang?
Kailan mo kaya ako papansinin?
Kailan ko kaya mararanasan na lambingin din?
Oo, marahil ayaw mo sakin,
Siguro nga iba ka na
Iba na ang iyong gusto
Iba na yung taong gusto **** kasama
Iba na yung gusto **** bigyan ng pansin.
Pero kahit ganun, na ako lang yung nagpapapansin
At hindi mo din naman ako pinapansin
Hindi ako nanghihinayang,
Kasi naging masaya ako, naging masaya ka din
Naging masaya tayong dalawa
Kahit hindi mo na ako pinapansin.
Salamat sa mga pagbabasa at pakikinig mo sa mga walang kwentang storya ko.
Je t’aime
Next page