Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan 2019
Isang tanong, isang salita
Limang letra, oo lima.
Ba, bakit kailangan mangyari pa?
A, ano bang mali kong nagawa?
Ka, kalayaan ba ang hanap mo?
I, ikaw lang naman laman nito.
Ta, tangang-tanga na nga sayo β€˜to.

Kaya bakit? May kulang ba?
Tinatanong kita ng paulit-ulit, siya na ba?
Sa tingin ko ay kaya mo na.
Dapat ko ng turuan yung sarili ko na kaya ko na
Kung sakal ka na
Malaya ka na
limang letra ay sapat na
Bakit?
Ang tanong ko sayo.
Limang letra ay sapat na
Matias
Written by
Matias  24/M/Quezon city
(24/M/Quezon city)   
  278
 
Please log in to view and add comments on poems