Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2023 · 341
Ang Dating Tayo
Prince Allival Mar 2023
Ang Dating Tayo

Hindi ko alam kung saan uumpisahan,Ang unang ikakathang tula para  Sa ating dalawa.Maaari ko bang umpisahan sa salitang Wala kana. Hinahanap ko yung saya Na nag simula sa ating dalawa ,Yung saya na nabuo nung tayo pang
Dalawa. Yung tayo pa💔Na mimiss ko yung saya ,
Yung pagmamahal na ipinaramdam mo Na para bang ako lang ang babae sa mundo At wala ng iba.
Namimiss ko yung dating tayo lang dalawa  At wala pang iba. Sana maibalik pang muli ang dating tayo kahit sa panaginip na lamang ito.
Nag umpisa sa mga katagang binitawan at pinalaya na kita pero Iisa ang ibig sabihin at yun ay ang Mahal kita  At matatapos parin sa katagang mahal parin
Kita kahit wala na, kahit wala na  ANG DATING TAYO.
Mar 2023 · 408
Huling pahina
Prince Allival Mar 2023
HULING PAHINA

Nababalot ng kalungkutan
Nalulunod sa kabiguan
Nilalamon ng kadiliman
Pinapatay ng nararamdaman

Patak ng luhay palatandaan
Emosyon ay di mapigilan
Sugat na iyung iniwan
Humilom man ay may peklat parin ng nakaraan

Pag kabigoy di malilimutan
Sa gawa **** isang huwad at mapaglinlang
Ikaw ay isang timawong nilalang
Mapag kunyari at nagbabalat anyo sa mga pangakong kay bilis **** bitawan
Ngunit niisa ay walang napatunayan

Walang gamot ang kasalukuyan
Para mag hilom ang sugat ng nakaraan
Nag iwan ka ng peklat at pangit na karanasan
Sa inalay kung tapat na pagmamahal nasyang dapat **** kaluguran.

Pagtataka'y diko maiiwasan
Sapagkat ginawa ko lahat ngunit ako'y iyung pinag taksilan
San ako nag kulang,,ang aking buongpag mamahal ay sayo'y aking ibinigay
Walang limitasyon at walang pag aalinlangan pagmamahal ay aking isinaalang alang
Pati aking kaligayahan ay sayo narin nakasalalay

Binigyan mo ng katapusan
Ang tayo na akala ko'y walang hanggan
Inalisan moko ng kasiyahan
Pag mamahal ko'y sinuklian mo ng kalungkutan

Nakakatawa bagamat alam kung nong una palang ay wala na
Pero bakit paba ako umasa
Sa salitang baka sa kaling pede pa
BAKASAKALING pede pa ang tayong dalawa
Ngunit kahit na ipilit ko pa
Ay wala na talaga
Dahil ikaw ang nagbigay proweba
Na ang tayong dalawa ay mananatili nalang ala-ala
At ang ating istorya ay nagtapos na dito sa huling paghina kung saan iniwan moko mag isa....
Mar 2023 · 140
Pangako
Prince Allival Mar 2023
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊

Mahal, hanggang saan ako
kakapit sa "PANGAKO" mo
hanggang kelan ko pang-
hahawakan yung "PANGAKO"
mona babalikan mo ko

Lahat ba ng "PANGAKO" mo ay
patuloy na mapapako
patuloy parin ba akong aasa
o dapat ba na bitawan kona
upang hindi na ko tuluyan pang
masaktan ng ganito

Iiyak, mag-tatanong sa sarili
kung hanggang kelan ako
magiging ganito?
kung hanggang kelan ako
magpapaka-tanga sayo

Nakakapagod na, pero mahal
padin kita, nakakasakit na, pero
umaasa padin ako, gusto ko ng
sumuko, pero paano kung
bumalik kapa kung kelan
sumuko na ko sa pag-asang
pinanghahawakan ko.

Sana ako'y mapatawad mo kung
ako'y tuluyan ng susuko at bibitaw
sayo, mahal kung hindi ko ito gagawin
patuloy padin akong makukulong sa
sakit at sa pag-asa kong babalik kapa

Sana ako'y maintindihan mo
paalam at ako'y tuluyan
ng lilisan at tuluyan ng bibitawan ang
"PANGAKO" mo na patuloy na nag-
papasakit sa damdamin ko.
Mar 2023 · 144
Maaari ba?
Prince Allival Mar 2023
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊

Maaari bang mahagkan ko
ang mahigpit na yakap
mula sayo,
maaari ko bang sabihin na
nasasaktan ako dahil
ang hirap tanggapin ang
hirap pilitin yung sarili na
kalimutan ka dahil ang
sinasabi ng puso ay ilaban pa

Kung maaari ko lang sanang
ibalik ang nakaraan
nakaraan na tayong dalawa
ay magkasama at masaya pa
nakaraan na sabay nating
pinaplano ang pangarap ng bawat isa
sabay nating tinatapos ang ating
takdang aralin
ang sarap ibalik pero malabong
mangyare ulit

Ang sarap umasa pero nakaka-sakit
na, ang sarap balikan pero ang hirap
kalimutan, ang daming pwedeng balikan
pero pano kung ako nalang ang na pag-
iwanan paano kung ako nalang pala
ang lumuluha
paano kung masaya kana sa iba
na pupuno ng tanong ang isipan
na pupuno ng tanong, tanong na
paano, paano na ako
paano ako sasaya ng wala ka

At kahit alam kong may iba kana
kahit alam kong ang sakit na
kahit alam kong pagod kana
patuloy ko parin nilalaban ang lahat
pinipilit kong sumaya sa iba
pero hindi ko magawa dahil ang
saya na gusto ko ay wala sakanila
kundi nasa taong gusto ko ngunit
iba na yung gusto at iba na yung
pinapasaya

Sabi saking sarili na kaya ko nang
wala kana, kaya ko nang mag-isa
kaya ko nang titigan ka na
kaya ko na, pero lahat pala nang
yun ay kaya kong bigkasin ngunit
hindi ko kayang gawin dahil patuloy
parin akong nahihirapan, patuloy
parin akong lumuluha

Sana maaari mo parin akong mahalin
Sana maaari parin kitang pasayahin
dahil alam kong darating yung araw na
makakaya ko nang wala ka at kaya ko
ng sumaya nang hindi ikaw ang
kasama.
Mar 2023 · 122
ngayong nandito kana
Prince Allival Mar 2023
Ngayong Nandito Kana

Ilang beses nang nag-mahal
at ilang beses nang nasaktan at umiyak
ngunit patuloy na lumalaban sa sakit na pinag daanan kapalit ng kasiyahan

Ang dami kong piniling mahalin
ngunit ako lang ang nagka-mali
hindi maipaliwanag ang sakit na
aking pinag daanan sa mga taong
ginusto kong mahalin

Ngunit "NGAYONG NANDITO KANA"
hindi maipaliwanag ang saya na
aking nadarama
hindi maipaliwanag yung
saya na meron kana

Ang sarap pala ng ganito
ang sarap ipag-malaki
ang sarap mahalin nung taong
mahal ka den
yung saya na ayaw mona matapos
yung pag-mamahal na ngayon
mo lang naramdaman
yung ngiti na kailan man hindi mo
naramdaman sa mga taong minahal mo

Nag bago ang mundo ng mapasayo
nawala lahat ng takot ko
nawala yung pangamba ko na baka
isang araw iwanan mo din ako
nag bago ang ikot ng mundo
yung sakit na naramdaman ko
yung mga luha na pumatak mula
sa mga mata ko

Napalitan lahat ng saya at ngiti
eto yung pangarap kona ngayon
ay nangyayare na

Laking pasasalamat mula sa
may kapal dahil NGAYON NANDITO KANA
salamat din sayo at ako ay minahal at
pinag malaki mo.

rm: Handog ko ang poetry na ito mula sa mga taong ilang beses nang nag-mahal at paulit ulit na nasasaktan. Hope you like this. 😊
Mar 2021 · 120
MY FRAGILE HEART
Prince Allival Mar 2021
I said that:

"I’d wait for you,
but
I didn’t mean
forever..
yet putting
my life on hold
is exactly what
I’ve done!!
and
While you
move on with your happy life
I’m left here..
frozen in time!!
sifting through
the remnants of
what we once had
wondering
what
went wrong
why you left
and how I can
move on safely
while still protecting
this fragile heart.
Mar 2021 · 110
I CAN'T
Prince Allival Mar 2021
I wish emotions didn't exist. That way I'd never have to feel.
It wouldn't be so bad if it didn't take so long to heal.
I feel like I'm the last thing on anybodys mind quite last resort.
Even when I speak with family. They always keep it short.
I try not to let it phase me. But I can't help but wonder why.
Sometimes I think that I'd only be missed if I was to die.
Some would say that is a lie but I know that I'm not wrong.
Nobody ever checks on me. So how's that different from being gone.
I try to keep my thoughts to myself but I wear my heart on my sleeve.
So when I feel like I'm unwanted I just pack my things and leave.
If I don't have something somebody wants, then they never call.
But the second I come of use they're my friends after all.
The girl I love might love me back but I can't seem to believe its true.
So I push her away so far that if i was her I'd leave me to.
I hurt my own feelings because I don't want to give her the opportunity.
To do the same thing as my past girlfriends used to do to me.
I try to let it go and pretend I'm not upset.
I know that she will go. Thats something I regret.
I love her but I don't want to. I don't want her to hate me.
But thats what's going to happen the way things have been going lately.
Mar 2021 · 92
ROSE
Prince Allival Mar 2021
Rose

Lovers hold their promises with each other,

When they have a bed of roses in front of them.


Since then,

Your elegant styles have attracted millions of couples to appreciate your appearances.


Falling love with your dignity,

And have difficulty to forgetting your thorns on your stems.


Although your thorns may be hurt if the lovers touch them,

Humans still have a good time holding your stems.


When the blood is bleeding from our hands to the ground,

this means that our relationship is fading away under the passing time.
Mar 2021 · 77
DAY AND NIGHT
Prince Allival Mar 2021
Every goodbye leaves a mark in my chest,
How it settles like a burn that pushes out the rest...

Until I get the chance to see,
My loneliness still taunting me...
Awake in my dreams that never seem to stay...

How I'd never come to know,
Why you had to go,

As I raise her high too see the beauty all around...
I smile at the world looking back at me...
Lost in her eyes like stars in the darkest skies...
Every day and night that I've grown lost in her light...

Because it's all for her,
How it has always been for her...

I catch the burning rain that melts the very structure of me...
Holding wishes made by dandelions that trail her light...
Casting my hand to measures that I never thought could reach...
I'm giving everything to stand for her, every day and night...

Because it's all for her,
How it has always been for her...

I smile at the world looking down on me...
My dear, you are all that I choose to see...

How it's always been for you...
Mar 2021 · 81
SAY SOMETHING
Prince Allival Mar 2021
SAY SOMETHING
Say something!
Say something!
Why is everyone acting like I owe them something?

Looking at me with blue zombie eyes yet I'm human!
Why is it an issue when I'm busy?

Sipping my solitude with a glass of Henesy!
Why do they have an issue with quiet me yet I don't harm them?
I owe noone nothing!
This is nonsense!
Mar 2021 · 87
OPTION
Prince Allival Mar 2021
Find someone who isn’t afraid to admit that they miss you, who knows you aren’t perfect but treats you as if you are, who’s biggest fear is losing you, who says “I love you” and means it with all of their heart, someone who believes leaving and giving up isn’t an option.
Mar 2021 · 75
HONEY
Prince Allival Mar 2021
A million stars up in the sky.
One shines brighter - I can't deny.
A love so precious, a love so true,
a love that comes from me to you.
The angels sing when you are near.
Within your arms I have nothing to fear.
You always know just what to say.
Just talking to you makes my day.
I love you, honey, with all of my heart.
I love you everyday ❤
Mar 2021 · 97
MY LOVE FOR YOU
Prince Allival Mar 2021
My love for you is like the raging sea,
So powerful and deep it will forever be.
Through storm, wind, and heavy rain,
It will withstand every pain.
Our hearts are so pure and love so sweet.
I love you more with every heartbeat!
Mar 2021 · 192
MALING AKALA
Prince Allival Mar 2021
Minsan ang sarap lang umasa at paniwalaan yung mga matatamis na salitang sinasabi niya. Siguro ganun naman talaga kapag nagmahal ka. Maniniwala ka sa lahat ng sasabihin niya. Hindi sa tanga ka o’ sa may pagka uto-uto ka, kundi malaki lang talaga ang tiwala mo sa kanya, na tutuparin niya ang lahat ng sinabi niya.
Mar 2021 · 93
I am not Perfect
Prince Allival Mar 2021
I’m not the perfect boyfriend I know you know that.. I’ll annoy at you. I’ll get jealous. I’m stubborn. I over think. I get insecure. My mood swings are like a roller coaster. I’ll probably never do anything right. but I promise you, that if I give you my heart it’s yours. Keep it I’ll be loyal. I’ll be here when you need me. I’ll love you to the greatest extent I can. I’ll treat you right and I’ll do anything I can to hold our relationship together.
I Still love you Vanesa Rose ❤
Mar 2021 · 363
SUPERMAN/WONDER WOMAN
Prince Allival Mar 2021
Sana buhay pa rin ‘yung konsepto ng pagiging superhero nu’ng mga bata pa tayo.

‘Yung mga panahong masaya nating ginagaya si Superman o si Wonder Woman. Kunwari may kapangyarihan tayo at hangad nating makapagligtas ng mga tao. ‘Yung kaya nating buhatin ang mabibigat na bagay o ‘di kaya’y lumipad lagpas sa mga ulap.

Sana hindi ‘yun nawala.

Sana naniniwala pa rin tayo sa mahika, o sa himala, o sa mga pantasya na bumuo sa’ting pagkabata. Na kahit nadaragdagan ang mga taon sa buhay natin, hindi natin malimutan na tayo’y mga bayani sa’ting mga sarili —

Na nakakapagligtas pa rin tayo ng ibang tao sa pagiging mabuti, na kinakaya nating buhatin ang mabibigat na pagsubok at pighati, na kaya nating liparin ang mga pangarap nating mas mataas pa sa mga ulap.

Sana kahit kabisado na natin ang totoong mukha ng mundo, may bahagi pa rin ng pagiging bata sa’ting puso — mamangha pa rin tayo sa mga bagay, at kasabikan pa rin natin itong buhay.
Mar 2021 · 112
BEA ALONZO
Prince Allival Mar 2021
When Bea Alonzo said,

kapag alam **** hindi kaan naaappreciate, lumayo kana. Kapag gindi kana mahal, umalis kana. Kapag ramdam **** hindi ka na belong, umiwas ka na. Be strong enough to  face the reality na hindi lahat ng gusto mo, gugustuhin ka.

In short, don’t push yourself to a person kasi pag ayaw sayo ayaw sayo, don’t waste your time for begging and have a respect for yourself. You deserve better and a pure love, hindi yung pagmamahal na pinipilit. Pag mamahal na hinihingi, di mo deserve yon.
Mar 2021 · 55
YOU LOST MORE
Prince Allival Mar 2021
I lost...when I decided
to love you
more than
I could love myself.

You lost...when you decided
to chose someone
else over me.

But, between
the two of us ,you lose more.
Because I am certain
I can pick up myself.
Choose to heal and decide
to love again...
—even more,
—even harder.

While you can
choose to find
someone else but soon I know,
you'll realize...they don't
have my heart And when you
come back.
...you will know,
YOU LOST and even worst..you will know HOW MUCH.
Mar 2021 · 220
Untitled
Prince Allival Mar 2021
Walang away na hindi naaayos, lahat yun nasosolusyunan. Hindi lang talaga naayos ang iba, Kase inuuna yung PRIDE.
You can’t have a relationship without a fights. But you can make your relationship worth the fight. Getting rid of your pride is the most important thing on being in a relationship. Walang perfect na relationship, masakit tanggapin pero yun ang totoo, ang mahalaga through the heartaches na naranasan mo, sya ang nakasama mo. If pride will be the center of your relationship, you’ll never have a successful one.
Mar 2021 · 229
Untitled
Prince Allival Mar 2021
Tumigil na ‘kong suyurin ang bawat sulok para tuntunin ang para sa’kin. Huminto na ‘ko sa kakahanap, kakatanong, at kakatingin. Ayoko nang pilitin ang ayaw pang magpakita, ang ayaw pang sumilong sa lilim — ang ayaw pang dumating.

Natuto na ‘kong maghintay. Marunong na ‘kong pumirmi sa isang lugar at ibilad ang sarili sa ibang bagay. Alam ko na kung paanong ang pag-iisa ay maaari kong gamitin para kilalanin pa ang buhay. Na nagbabago pa rin ang kulay ng langit sa maghapon kahit wala akong kasama, o kasabay.

Umiikot pa rin ang mundo. Hindi ito humihinto dahil lang mag-isa ako. Kaya’t tumigil na ‘kong suyurin ang bawat sulok para lang hanapin ka. Ayoko nang pilitin ang mga bagay o tao kung hindi pa ito handa.

Basta. Bahala na —

Hihintayin na lang kita,
hanggang sa dumating ang panahong p’wede na.
Mar 2021 · 3.5k
DOON AKO HINDI AKO
Prince Allival Mar 2021
(Untitled)
Kung kailan ako mapagbigay, doon ako madamot.
Kung kailan ako malinis, doon ako nilulumot.

Kung kailan ako gumagalaw, doon ako paralisado.
Kung kailan ako malaya, doon ako limitado.

Kung kailan ako makulay, doon ako monokromatiko.
Kung kailan ako mapait, doon ako romantiko.

Kung kailan ako masipag, doon ako tamad.
Kung kailan ako magaling, doon ako nilalagnat.

Kung kailan ako malinaw, doon ako malabo.
Kung kailan ako matalino, doon ako bobo.

Kung kailan ako umaalab, doon ako upos.
Kung kailan ako puno, doon ako ubos.

Kung kailan ako maayos, doon ako magulo.
Kung kailan ako puro puso, doon ako puro ulo.

Kung kailan ako mayaman, doon ako mahirap.
Kung kailan ako nandyan, doon ako mailap.

Kung kailan ako nagbabasa, doon ako nagsusulat.
Kung kailan ako kalmado, doon ako nagugulat.

Kung kailan ako sigurado, doon ako nagtataka.
Kung kailan ako sumasagwan, doon ako bumabangka.

Kung kailan ako nangangaso, doon ako nangingisda.
Kung kailan ako umaatake, doon ako dumedepensa.

Kung kailan ako hypothalamus, doon ako atay.
Kung kailan ako buhay, doon ako patay.

Kung kailan ako tao, doon ako hindi tao.
Kung kailan ako ako, doon ako hindi ako.
Mar 2021 · 1.6k
DEPRESSED
Prince Allival Mar 2021
(DEPRESYON)
Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako,
Wala akong pinipili na kahit na sino,
Basta sa oras na ako ay makilala mo,
Sa oras na pinapasok mo 'ko,
Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan,
Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran.

Ako, ang sisira sa buhay mo,
Gagawin kong miserable ang utak mo,
Kapag nakilala mo ako,
Kahit saan ka pa magtago
Wala! Walang tutulong sayo!Tandaan mo!
Lahat sila aayawan mo!
Guguluhin ko ang iyong mundo,
Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo,
Kahit ipagpilitan isarado ang bintana,
Papasok, papasukin kita,Wala ka nang magagawa! Sumuko ka na!
Kaibigan hinihintay na kitang sumama,
Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,Kahit ilang beses hanapin Susi para makalabas sa suliranin, Ikaw ay pilit kong aangkinin.

Pilit kitang aagawin,Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin,
Makinig ka! Halika na at sa akin ay sumama,
Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,Patuloy ka lang kukutyain,
At patuloy ka lang paiiyakin,
Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa,
Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata,
At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,Nabubuhay ako at mas lumalakas ako,
Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo.

Huwag kang magtangka,Pagtakas ay wala kang mapapala,Dahil kapag dinapuan na kita,
Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa,
Gilitan ng leeg, wala pa ring talab,
Susundan kita hanggang kabilang buhay
Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.Ako, ang iyong kalaban,
Patago kitang sasaktan,
At unti-unti kitang pahihirapan,
Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan,
Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,Mistulang buhay mo ay sisirain ko,
Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili,
At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili.

Tandaan mo, at laging isaisip mo,
Kakatok ulit ako sa pintuan mo,
Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo,
Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba,
At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema.
Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,Na hindi mo ako basta malulupig,
Hangga't dala-dala mo ang aking mundo,
Hindi ako titigil sa'yo.

May panahon ka pa,Makakatakas ka pa,
At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka,
Hindi ako kasinungalingan,
Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako.
Kung sinasabi  nila peke ako,Na dulot ko lang ay pagpapapansin,Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing,
Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,At hindi ako nakikipaglaro.

Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte.
Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo,
o maging ang mga kaibigan mo,
Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo,
Pakiusap ko!Kung sakaling ako ay makilala mo,
Layuan mo ako,Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap.
Makakatakas ka pa,Makakatas ka.
Nabubuhay ako sa mundong ito,Ngunit kaya niyo ako.Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.
Mar 2021 · 15.5k
HINDI NA DAPAT IPAGSIGAWAN PA
Prince Allival Mar 2021
Oo. Totoo.
Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako,na aakyat pa sa rurok ng bundok
para isigaw ang pangalan ko,at ipahayag ang nilalaman ng damdaming nagsisidhi,
sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan na nais kong marinig
mula sa mapang-akit **** mga labi.

Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng ibang tao,dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig nang wagas o hanggang sa dulo ng mundo,
hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon.Hindi.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako
na sa lahat ng date na ating mapuntahan
ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo,
o libo-libong litrato ang ipo-post mo, dahil ayaw ko lang mawalanang pagiging pribado ng ating relasyon,sapat na sa akin nang itago mo ang mga litratong ‘yan,at titigan pauli-ulit
kapag miss na natin ang isat-isa.

Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba,
hindi ko sila papatulan,hindi ko sila papansinin,
hindi kita minahal nang mahabang panahon
para saktan lang, wala akong pake sa kanila,
ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita,
at tanggap ko kung sino ka, kung anong mayro’n at wala sa’yo,dahil mahal kita.Mahal na mahal,
hindi mo kailangang ma-insecure.Hindi.    

Lahat ng bagay, ay aking gagawin,
dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita”  sa bawat letra ng mga salitang
namumutawi sa aking bibig,hindi ito isang antigong alahas  na susuotin lamang sa mga piling okasyon,pagkatapos ay itatago sa kahon,
at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon,
mamahalin kita kahit sa ano mang panahon:
tirik man ang araw sa pagtawa o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak.Mahal kita.Mahal na mahal,
at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita”
sa mahal lang kita,kukunin ko ang mga agiw sa iyong mga lumang gunita,pilit kong wasakin ang mga pader na nakaharang sa ating dalawa.    

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili
sa ‘yong presensya at pagkandili,sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit binabayo,mga pagkukulang na pilit pinupunan,
at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap
ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak,
nang mabatid mo ang mga nakasulat,
nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:
ililibot kita, sa aking nakaraan,sa aking ngayon
at sa aking bukas, ilalahad ang pag-aasam na makatakas sa mga kabiguang natanaw.
Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso,
dito matatagpuan ang pag-ibig
na kailanman hindi mabubura, hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw.

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,
hindi na kailangan, dahil alam ko, d’yan sa puso mo,nakaukit rin ang pangalan ko,at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako.Mahal mo ako. Mahal na mahal.Sana Nga'y mahal mo pa ako!  Mahal mo talaga ako.
Mar 2021 · 364
VANESA
Prince Allival Mar 2021
( MAHAL PARA SAYO TO )
UNTITLED 🥴

Sa araw-araw na di ka nakikita,
na di ka nakakausap, di ka nakakasama.
sa araw-araw na naglalakad mag-isa,
iniisip-isip ka,hinahanap hanap ka lalo
ang iyong presensiya.

Sa araw-araw na dumaraan sa aking harapan.panibagong mga araw na siyang aking pinipilit na silayan.hinahanap yung araw na muli akong sisikatan ng iyong araw, ng iyong liwanag,na siyang magbibigay ng init sa nanlalamig kong kalamnan.

Sa araw-araw na ginugulo ako ng aking isipan, kung ano na nga ba ang lagay mo;
ayos ka lang ba?sana naman oo.
kumain ka na ba?sabihin mo na oo.
masaya ka ba? oo? o baka hindi rin siguro.

Pero tandaan mo,nandito lang ako.
nandito lang ako sa mga panahon,
na sa tingin mo wala nang tutulong sayo.
nandito ako sa mga oras na kailangan mo,
ng isang tao na handang makinig sayo.
nandito ako, handa nang makinig sayo,
sa lahat ng iyong mga kwento,
sa lahat ng iyong mga pagod at problema.

Sige, sabihin mo sakin at makikinig ako.
dahil nandito na ako, handa nang makinig sayo,
Nandito na ako,patuloy na maghihintay sayo
at nandito na ako,patuloy na magmamahal sayo.
Mar 2021 · 168
BALANG ARAW
Prince Allival Mar 2021
Balang araw,
Biglang babagal ang paglakad ng oras
Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas
Aawit ang mga langay-langayan
At luluha ang kalangitan

Luhang hatid ng matinding galak
Sa wakas ay wala ng iiyak
Dahil natapos na ang panaginip
Salamat at hindi ka nainip

Maraming istorya ang nais kong sabihin
Inipon kong lahat para sa'yong pagdating
Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay
Kung paano kita hinintay

Sa sandaling tayo'y magtagpo
Doon lamang magiging perpekto ang mundo
Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso
Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo

Sana nga bukas kapiling ko na ikaw
Sana nga bukas na ang ating Balang araw.
Mar 2021 · 471
NASAAN KANA NGA BA?
Prince Allival Mar 2021
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan
Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik.
Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba?
Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit.

Nalulunod ako sa mga luha
sa bawat oras ng pagkadapa,
Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati;
'Sang pinsala dulot ng pag-ibig
na nawaglit lang ng bigla
Nasa'n ka na nga ba?
Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali.

Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal,
At sa pagdating ng hating-gabi,
ginagapos ng lubid ng karimlan:
Walang mahagilap na dahilan
sa paglayo mo mula sa 'king piling,
Bukod-tanging kahapon na lamang
ang aking sinusubukang gunitain.

Subalit gulo ang s'yang aking batid,
pait ang s'yang aking lasap;
Ni walang kapayapaan,
ni bigkis man lang ng galak.
Tayo sana'y habangbuhay na, ba't ka pa lumisan?
Nasa'n  ka na nga ba?

At kung hindi ka pa rin darating,
sa panahong mundo na'y magdidilim,
Maghihintay pa rin ako sa 'yo
hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
Mar 2021 · 145
DEVOTED
Prince Allival Mar 2021
Dun tayo sa taong kasama ka sa pangarap niya at hahayaan kang abutin mo din yung mga pangarap mo.
Dun tayo sa taong sasamahan kang mag-Obey kay Lord.
Dun tayo sa taong poprotektahan ka at iingatan ka.
Dun tayo sa taong mamahalin ka nang gaya ng pagmamahal ni Jesus sayo.
Dun tayo sa taong committed at devoted kay Lord.
Mar 2021 · 131
SOMEONE ❤
Prince Allival Mar 2021
One day you will meet someone na pagod narin sa fake love, temporary people and tired of games. Someone na gusto ng serious relationship not easy to get but worth the wait. Yung mas maappreciate niya yung care and respect na ipakita mo hindi yung appearance mo. Someone na kaya kang tanggapin and won't leave you sa kabila ng kakulangan mo. ❤️
Mar 2021 · 215
UNDERSTANDING IS THE KEY
Prince Allival Mar 2021
Dati iniisip ko na communication 'yung makakapagpatatag sa isang relasyon pero narealize ko na hindi pala. Para sa'kin comprehension, 'yung ability mo to understand everything with your partner. 'Yung kapag busy siya, intindihin mo 'yung time niya. Intindihin mo na may iba din siyang ginagawa and di lang sa'yo umiikot mundo niya. 'Yung kapag nag-aaway kayo o hindi nagkakaintindihan, you have to make things right and intindihin 'yung bawat sinasabi ng partner mo at kung ano 'yung makakabuti sa inyo and anything else about understanding. Understanding is the key to make a relationship strong.
Mar 2021 · 574
I WILL STOP HURTING MYSELF
Prince Allival Mar 2021
I will stop hurting myself now. Life has been giving me too much to be stressed about, it's been hard these days; so I decided not to be the one punishing myself more. I am my best comrade, I shouldn't be mad towards my own being why I am going through sadness. I will take it easy from now on, since life won't do it for me.
Mar 2021 · 80
I WAS THERE
Prince Allival Mar 2021
I was there for you in your DARKEST TIMES,
I was there for you in your DARKEST NIGHT,
So i wonder, where were YOU?
When i was at my WORST DOWN ON MY KNEES.
#YouLeftMe
#YouKilledMeThatDay
Mar 2021 · 68
Longing For You
Prince Allival Mar 2021
Deep inside my soul is aching
Longing for your touch
Inside my chest my heart is breaking
I'm missing you so much
You just don't know how much I love you
How much I really care
My feelings are strong and oh so true
This kind of love is rare
A life without you is not complete
I'm so empty inside
I long for the day we will be together
And no longer have to hide.
Mar 2021 · 56
DOG
Prince Allival Mar 2021
DOG
10 THINGS YOUR DOG WOULD TELL YOU...

1. My life is likely to last 10 to 15 years. Any separation from you will be painful: remember that before you get me.

2. Give me time to understand what you want of me.

3. Place your trust in me- it is crucial to my well being.

4. Do not be angry at me for long, and do not lock me up as punishment.

5. You have your work, your entertainment,and your friends. I only have you.

6. Talk to me sometimes. Even if I don’t understands your words, I understand your voice when it is speaking to me.

7. Be aware that how ever you treat me, I will never forget.

8. Remember before you hit me that I have teeth that could easily hurt you, but I choose not to bite you because I love you.

9. Before you scold me for being uncooperative, obstinate, or lazy, ask yourself if something might be bothering me. Perhaps I might not be getting the right food, or I have been out too long, or my heart is getting too old and weak.

10. Take care of me when I get old; you too will grow old. Go with me on difficult journeys. Never say: “I cannot bear to watch” or “Let it happen in my absence.” Everything is easier for me if you are there, even my death.
Mar 2021 · 66
FRIEND
Prince Allival Mar 2021
It’s growth. It’s maturity. It’s love.
Being someone’s friend sometimes mean you let them have their space. It means you allow them to have time for themselves. Because we all have social batteries that gets empty as we spend time with people. Even extroverts go through this. So thank you for keeping me even though we don’t talk much. Your love in a distant makes me happy that I am loved from far away and rooted for.

And no pressure, I’m still your friend if you do this to me. I’ll check upon you too and I hope we still have the same bond always.
Mar 2021 · 182
KUNG MAHAL KA
Prince Allival Mar 2021
Sabi nga nila, kung mahal ka, hindi ka matitiis, gagawa yan ng way para magkabalikan kayo, pag nawala na yung spark gagawa din yan ng way para maibalik yung dating kayo, yung dating saya sa mga labi niyo sa tuwing kayo ang magkasama, yung dating mas matamis pa sa asukal na lambingan niyo. pero kahit lahat ng yan ay ginawa mo na, at wala padin. Well its time for you to forget and find someone new. Isipin mo nalang na nag iba na yung gusto niya, na nakahanap na siya ng much better kaysa sayo (so find better one too), or something na may mas pinaprioritize siya gaya ng pag aaral niya or what, or pwede din na sadyang hindi ka niya mahal. so for the next page of your life, maniwala kang anjan lang yung para sayo, maybe hindi pa dumating ngayon pero for sure parating
na wait kalang wag ka atat.
pero ako HAPPY na for NOW at. Swerte din kasi dumating na yong sa akin❤❤❤ kaya wala na akong MAHIHILING pa!!!
#LoveWins
#PorkchupKetchup
Ay break na pala kami 💔
Mar 2021 · 71
YOU DESERVED IT
Prince Allival Mar 2021
Treat yourself today! wear that new dress! soak in all that glorious sunshine! drink your favorite beverage! read your favorite book all day! stay in bed and do nothing! eat whatever you want! put on a face mask! hug your pets or plants! buy that one thing that you've wanted for so long! make yourself lemonade! treat yourself today and every day, you are worth it! and don't you forget it!
Mar 2021 · 51
THAT'S LIFE 💔
Prince Allival Mar 2021
Life has taught me that you can't control someone's loyalty. No matter how good you are to them, doesn't mean they'll treat you the same. No matter how much they mean to you, it doesn't mean they'll value you the same. You know sometimes,the people you love the most turn out to be the people you can trust the least!.
I love you parin kahit ang Sakit sakit na 💔 D ko alam kong bakit kita minahal ng ganito ❤
Mar 2021 · 10.6k
Pighati
Prince Allival Mar 2021
Nakikita niyo akung naka ngiti
Mga ngiting to kay dami nang ikinubli
Mga damdaming di na masabi
Siguro habang buhay na itong mananatili

Naririnig niyo ang malakas kong tawa
Sa likod nito ay may malaking problema
Na sa tuwing ako'y mag isa
Hindi tawa kundi patak nang mga luha

Ngiti, kahit labis nang nasasaktan
Ngiti kahit wala nang matatakbuhan
Ito lang ang naiisip kong paraan
Upang di mapansin ang aking pinagdaraanan

Ngiti, kahit luha mo'y pumapatak na
Ngiti, kahit di mo na kaya
Huwag mo nang ipakita sa kanila
Ang iyong pusong sugatan na

Ngiti para sayo aking Sinta
Ngiti upang lahat ay maging masaya
Kahit damdamin ay kumikirot na
Di bale na, napasaya naman kita

Ang mga ngiti ay marami nang naitago
Isa na ang mga damdaming di na mag lalaho
Ang nararamdaman ko sayo'y di pa nagbabago
Mahal parin kita nang buong buo Vanessa Alba  

Pinilit mang sukuan at kalimutan ka
Ngunit di ko magawa-gawa aking sinta
Para bang ako'y nakakulong sa silda
Sa pag ibig ko sayo'y hindi makawala

Hanggang ngayo'y ngiti ang aking Sandata
Pilit nilalabanan ang kirot na nadarama
Umaasa na ikay muling makasama
Ipagpatuloy ang Pangarap na binuo nating dalawa ❤

Ngiti hanggang sa mapawi ang aking Pighati
Ikaw lang magpapabalik ng Tamis na Ngiti sa aking mg Labi.
#NgitiKahitMayPighati

— The End —