Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Sinabi **** mahal mo ako
Ngunit hindi tayo maaari
Hindi tayo mangyayari
Okay lang, tanggap naman ng aking sarili
Aking damdami'y naglalaro sa saya at lungkot
Saya ng dahil narinig ko na din na ako'y iyong mahal
Lungkot naman dahil kailan man hindi magiging tayo
Sinabi **** 'mahal kita'
Alam kong iyon ay totoo
Naniniwala ako sa iyo
Ngunit mahal mo nga ba talaga ako?
Kasi kung oo, sana tayo na ngayon
Mamahalin pa rin kita
kahit hindi mo na mahal sarili mo
kahit sabihin mo pang susukuan din kita
alam ko sa sarili ko na hindi ito totoo

Mamahalin kita
hanggang sa makita mo
ika'y may dahilan para gumising sa umaga
at tignan ang mga bituin sa ating pag-upo
gabi-gabi sa veranda magkasama

Hindi magsasawa sa'yo
sa pagdilat ng mga mata
hanggang sa pagtulog
ikaw lamang ang tanging sinta

Hindi ako susuko
sapagka't ika'y isang biyaya
na iingatan at aalagaan ko
hanggang sa huli kong hininga
Boy
In those moments
I knew I was wrong
"Your life is almost perfect"
And in that cracked voice
And heavy breathing
You were in pain all along
Blinded by your unwavering smile
Your genuine laugh
Boy, I could only think how painful it has been
As the rain drops fall
My body becomes colder
Your warm touch kept me from freezing
Like the fireplace where we stayed that night
I watch your shadow
Fade away with the dying light
And all i see now is darkness
The darkness I once knew and left
That now came back to me
I become alone again
Ang ating distansya'y malayo
Pero aking pangalan ay iyong tinawag
nagulat ako at biglang napatingin
Nakita kita at ang iyong matamis na ngiti
Ako'y medyo natulala
At aking puso'y tumibok ng mabilis
Hindi man kita buong araw kapiling
Ngunit isang kita lang sayo'y
Ako'y nasisiyahan na
Sana'y tuwing nakikita mo ako
Ang iyong nararamdaman
Ay kasing tulad ng sa akin
Sana'y may mga araw
Na ako'y iyong hinahanap
Dahil aminado akong
Ikaw ang inaabangan ko sa aking araw-araw
Sa wakas tayo magsisimula
Sa wakas na ito
doon malalaman ang ating kapalaran
Ang kapalaran ng istorya nating dalawa
Kung tayong dalawa nga ba ang para sa isa't isa
O hanggang kathang isip na lamang tayo
Kahit tayo ay nag wakas
Hindi ibig sabihin na tapos na ang kuwento
Paalala, nagsisimula pa lang ang kuwento
Magsisimula pa lang ang mga nakaabang na pagsubok
Mga pagsubok na pwedeng magpapalapit
O magpapalayo sa atin
Hindi ako umaasa
Ngunit ako ay nangangarap
Na sana sa isang araw
Pagkabukas ng aking mga mata
Ikaw ang aking unang makikita
At liliwanag sa araw ko
Next page