Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Alam kong walang tayo
Ngunit ang nais kong sabihin
Sa iyong pag-uwi ay
"Ingat ka, kasi kapag ika'y nawala
Mawawala na din ang kalahati ng buhay ko."
His lips
Inching closer onto mine
Body tingling
As his tongue run down my body
Breaths huffing
As we exchange deep french kisses
Skin touching
As our bodies tickle each other
Spine chilling
As his hand run down onto it, and;
Feeling whole
As our bodies become one
Minsan sa buhay
Kahit may hindi ka gustong maalala
Maalala mo na lang bigla
Kasi malaki yung naging parte niya sa buhay mo
Pero lagi mo lang tandaan na naging parte siya ng buhay mo
"Naging"- kaya huwag mo nang balakin na pabalikan siya ulit
Salamat sa mga alaalang naibigay
Pero hanggang dun na lang tayo
May mga oras sa aking buhay
Na aking hinihiling na sana'y ika'y hindi nakilala
Sapagkat kung ika'y hindi nakilala
Aking puso'y nananahimik ngayon
Ngunit ika'y nilapit sa akin
Hindi ko napigilan ang aking sarili
Na mahulog sa iyong kabaitan at pagiging iyong sarili
Alam kong kasalanan ko ito
Kung kaya'y ika'y hindi sinisisi
Masaya ako sa piling mo
At sa araw-araw na tayo'y magkasama
Minsan ang sakit
Dahil alam kong sa araw-araw
Ika'y mas lalong hinahanap
At mas ginugusto na makasama
Kahit hindi ko gusto na ika'y maisip
Bakit nga ba ika'y pilit tumatakbo?
Mga katanungan na biglaang papasok
Sa aking isipan ay bumabagabag
Hindi ka ba napapagod?
Hindi ka ba napapagod sa pag antay sa akin na ako'y makasakay?
Hindi ka ba napapagod sa pag protekta sa akin?
Hindi ka ba napapagod sa pakikinig sa akin sa araw-araw?
Bakit? Bakit mo nga ba ito ginagawa?
Hindi mo ba alam na ako'y nahuhulog na sa'yo?
Ang hirap, alam mo ba?
Pero alam mo ba
Ang saya ko kapag kasama kita
Makita lang kita
Aking araw ay buo na
Hindi ko man alam ano ang karugtong ng kasalukuyan
Pero sana ikaw ay parte ng aking kinabukasan
Kahit malayo ng ilang kilometro
Kahit tayo ay nasa magkabilang panig ng Maynila
Kahit umulan man o umaraw
Kahit ilang taon ang lumipas
Naniniwala ako na kapag tayo ay para sa isa't-isa
Balang araw, tayo ay magkikita muli
At doon uusbong ang nakatagong nararamdaman
Ika'y aking inaantay
Sa gitna ng kawalan at mayroon
Kahit ako'y nahihirapan
Ngunit ika'y aking minamahal
Kaya't kakayanin ko hanggang sa dulo
Sapagkat naniniwala ako na ikaw ay karapatdapat
At aking pinipili at binibigyan ng kapangyarihan
Na ako'y saktan mo, gusto mo man o hindi
At sa paglipas ng araw-araw
Aking napapansin ang unti-unting pag-iiba
Ng aking pag tingin sa'yo
Damdami'y hindi maipinta
Kung ito ba'y hanga lang o may halo nang mas malalim
Ako'y natatakot sa kung anong ibig sabihin nito
Ngunit aking pag tingin sa'yo ay hindi maiiba
Sa kadahilanan na ika'y pinili
Sinasadya man o hindi
Ng aking puso't utak
Pero siguro sa ngayon, mas maigi na tayo'y maging magkaibigan na muna lamang
Dahil ako'y namamanhid, at iyong hindi iniisip ang ganitong bagay sa buhay
Next page