Minsa’y nadako ako sa Kalye Pag-ibig Marahil walang karatula Ang mayroon lamang ay iilang linyang puti Salungat sa kalsada Siya rin palang tulay sa’ting tagpuan.
Bawat butil ng Kanyang mukha’y Kumakapit at humihilik sa balat Sa’king palad, umaapaw ang mga ito Hihinto pa ba? Pagkat hindi handa Ang yerong gawa sa plastik Na syang bihis-bihis ng kabilang palad.
Maraming yapak, aking naririnig Ngunit alam kong ang berdeng kulay Pawang hindi para sakin at sayo. Ang bawat kasuotan nila’y Tila pustura lang, ako’y nanatiling walang kibo.
Unti-unti kong binagtas ang eskinita Makitid doon ngunit alam kong ito’y tama Tila kayrami pa ring paninda Ngunit ang lahat, hindi naman kabili-bili Pagkat minsanan lang ang pag-ibig na totoo Ni hindi ito kinakalakal.
Hindi ko man mabili ang nais ko ngayon Masilayan man kita, bagkus likod lamang Ni hindi ko nga matanto ang itsura Basta’t sigurado ako Sa paglingon mo’y parehas na tayong handa.
Malayo pa ang lalakbayin Ng pawang minanhid na mga paa Pagkat ang direksyon nati’y Sa ngayo’y alam kong Hindi pa para sa isa’t isa.
Ikaw na siyang iniirog Aking hihintayin Hanggang ang oras ay tumiklop At umusbong ang panibagong bulaklak Saka natin pagmasdan Mga paru paro’t iilang kulisap, maging alitaptap.
Tatandaan ko ang ating tagpuan Kung saan ihihimlay natin ang kinabukasan Buksan mo ang pusong minsang winarak Bubuuohin muna iyan ng Nasa Itaas At saka na natin isulat ang makabagong alamat.
Sa Kalye Pag-ibig, tandaan mo, irog Tayo’y babalik at muling mangangarap Bubuo na panibagong larawan Na may tunay na ngiting Hahalimuyak sa mas Nakatataas.