Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Feb 2023
Isa sa mga natatangi,
Mula sa 'di inaasahang pangyayari,
Ngayon ay naging bahagi,
Ng mga ala-alang nananatili.

Mistulang isang araw,
Pagkatao'y nakakasilaw,
Ngiting kay busilak, kay lambing,
Isang kayamanang maituturing.

Sa araw na ito, sana ika'y masaya,
Dala-dala ang ngiting kay ganda,
Wag kalimutang sa iyo'y maraming nagmamahal,
Mula sa mga pagsasamang mas tumatagal.
happi balentayms puuuu
Taltoy
Written by
Taltoy  22/M/Philippines
(22/M/Philippines)   
96
 
Please log in to view and add comments on poems