Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2021
020321

Sa likod ng mga palakpakan
At nag-aawitang mga tinig na hindi nagpapataasan,
Ay dumudungaw ang aking pangamba —
Ang takot kong nagmimitsang lisanin ko na ang lahat..

Gusto kong manahimik ang lahat —
At sa kabila ng mga nakasisindak na mga tinig,
Ay unti-unti kong hahagilapin ang liwanag,
Pagkat minsan, ako ri’y nabubulag
Sa kamangmangan ng mundo.
The Poetic Architect
Written by
The Poetic Architect  F/PPC Palawan, Philippines
(F/PPC Palawan, Philippines)   
Please log in to view and add comments on poems