Alas dose Nagsisimula ang mga hirit sa pagsibol ng liwanag ng nagiisang buwan Dalawang anino ng mga pusong pinagkaitan ng panahon at pagkakataon Mga diwang hirap makatulog sa kabila ng pilit ng dalawang pares ng mata para pumikit Ala una Nagising sa biglaang pagtawag Sa kabilang linya, ang boses ng nagiisang tangi Mga matang pilit na dumidilat ngunit singkit pa din Alas dos Nagsisimula pa lang ang gabi Mga palitan ng salita at biro Oras na para matulog para sa isa, may pasok pa kinaumagahan Alas tres Ang oras ng kadiliman Na nagsilbing liwanag para sa dalawa Mga tawa nilang mas lumalakas At damdaming mas lalong lumalala Sa kabila ng lahat, hindi man tama Pagsapit ng alas kwatro Natulog siyang may ngiti At panalangin Na sanaβy ganito sila palagi Ng kanyang natatangi