Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 2021
Ang aking hinahangaan,
Na tila langit at lupa ang aming pagitan
At kung ihahalintulad sa panahon ngayon kami ay tila ang mahirap at mayaman
Walang boses at makapangyarihan
Kung ihahalintulad naman sa panahon noon
Tila ang kastila at ang katipunan
Si lapu-lapu at magellan
At kung ihahalintulad naman sa bagay na sa buhay ay may kinalaman
Tila kami ang kasinungalingan at katotohanan
Kalungkutan at kasiyahan
Nagmamahal at nasasaktan
Kasamaan at kabutihan
Inosente at makasalanan
Basura at kayamanan
Digmaan at kapayapaan
Tao at kalikasan
Kaaway at kaibigan
Ibang tao at magulang
Kabobohan at katalinuhan
Bida at kalaban
Buhay at kamatayan
Liwanag at kadiliman
Kabundukan at karagatan
Kasaysayan at kinabukasan
Bibliya at Qur'an
Daigdig at kalawakan
Ang araw at ang buwan
Ganyan ka layo ang aming pagitan na tila ang tadhana ay di sang-ayon sa aming pagmamahalan,mahirap man tanggapin ang katotohanan na ako at ang aking hinahangaan ay malabong magkatuluyanπŸ˜₯
Kurtlopez
Written by
Kurtlopez  30/M/Rosario Cavite
(30/M/Rosario Cavite)   
6.2k
 
Please log in to view and add comments on poems