Ikaw ang araw na nagiging dahilan ng pagbangon ko Ang gumigising pagtapos masilayan ang madilim na tanawin sa pagtulog ko Ang kasabay ngumiti ng liwanag na sumilisip sa aking bintana At ang simbolo ng kagandahan tuwing umaga
Kung tutuusin ay inggit ako sa ulap at kalangitan Sila ang lagi **** kasama at nahahagkan Tila sila ang nagbibigay sayo ng hinahanap **** ligaya Habang ako nama'y kahit titigan kay hindi kaya
Laking pasalamat ko sayo reynang araw Dahil ikaw ang gabay ko sa aking paglakbay Ang nagmistulang lampara sa daanan ko tuwing gabi At ang kahalili ng buwan na sinasamahan ako tuwing walang katabi
Mahal kong Sol, kapag dumating ang araw na ika'y pagod na Kapag ang iyong init ay di ko na nadadama At ang sarili **** liwanag ay magtatago na sa likod ng kawalan Maaari mo ba akong balikan at muling hagkan?
Kung di man dumating ang umaga na ikaw ay umahong muli At maipakita sakin ang kagandahan **** natatangi Maaari bang silipin mo pa rin ako at gabayan? Kahit nagtatago ka na lamang sa likod ni luna kapag sa gabi siya'y nakaharang
Di na rin naman natin malalabanan ang panahon at tadhana Kaya kung dumating ang oras na ika'y napagod nang lumutang sa mula sa silangan Ako'y mananatiling kakaway sa mula lupa Habang ninaais kang pagmasdan kahit na silaw na sa inyong kagandahan
Huwag mo sanang ipagkait sa akin tuwing umaga ang napaganda **** ngiti Gisingin mo pa rin ako nang may tuwa at galak sa aking mga labi At bigyan ng init sa tuwing uulan at lalamig Dahil yan na lamang ang matitira kong alala mula sa iyong pag-ibig
Sol, wag ka sanang mapagod na ipakita ang iyong liwanag Hayaan **** samahan ka ng mga kaibigan **** ulap Takpan man nila ang natatangi **** tanawin ng sanlibutan Alalahanin mo sanang mayroon pa ring ako na naghihintay sayo sa ilalim ng kalangitan.