umiikot ka na naman sa tabi ng parisukat na tatlong taon mo ng ginagawa araw-araw. binabaybay ang makipot na diwa sa malawak na kamalayan hanggang tuluyan itong sumabog at magkahiwa-hiwalay upang muling mabuo. maliit ang kurot ng ibinatong kulangot, sa halip na ito'y humarang bumara lang at nakapuwing sayang ay muntik pang matapakan dulot ng taglay nitong kalakihan sa kailaliman na abot pusod pero balon ang katumbas. kaya sige pa at ituloy ang animo'y walang humpay na paghahanap sa hindi mawala-wala. nasa likod lang ng buwan. kasing daling tingnan ng araw. lalo na kung gabi't mapanglaw ka, walang kasama.