Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2019
Kahapon, may isang bata
Na sa akin nakatingala
At ako’y tinirador nga
Upang malaglag sa tuwina

Pero huwag muna, huwag muna
Dahil ako ay hilaw pa

Ngayon naman, may matanda
Na sa akin nagnanasa
At ako’y sinusungkit nga
Upang mahulog sa lupa

Pero huwag muna, huwag muna
Dahil ako ay hilaw pa

Bukas, makalawa, maaaring may isa pa
Na sa akin magtangka
At ako’y hilahin pababa
Upang matuluyan na

Pero huwag muna, huwag muna
Dahil ako ay hilaw pa!

-05/19/2013
(Dumarao)
*My Stormy Morning Poems Collection
My Poem No. 208
Jose Radin Llorca Garduque
Written by
Jose Radin Llorca Garduque  32/Other/Philippines
(32/Other/Philippines)   
92
 
Please log in to view and add comments on poems