Anong tapang mayroon ka at kayang pumaslang ng lamokβ mahihilo,
malalagpak sa lapag na para bang hinihila ng dagsin pabagsakβ sa loob ng aking magulong kuwarto.
Ang katol ay nakakapatay ng lamok. Tunay, nang mapatunayan ko ito isang gabi habang pinapanood ang umuusok na sinindihang piraso ng katol. Iilang lamok din ang nakita kong animo'y nahihilo matapos maamoy ang matapang na amoy nito.